Chapter 1
“Good morning self!” Bati ko sa sarili ko sabay nag inat sa aking katawan habang nakahiga sa kama.
Ilang minuto akong nakahiga muna hanggang sa naisipan ko ng bumangon sa kama.
Lumabas ako sa kwarto ko para hanapin si mama.
“Ma!!” Tawag ko sa aking ina.
“Nasa kusina ako, anak.” Sagot ng mama ko kaya agad kong tinungo ang kusina.
“Good morning, mama.” Bati ko sa kanya sabay hawak sa bewang ni mama.
“Ano gusto mo ulam, Natasha?” Tanong ni
mama sa akin.
“Gusto ko po pritong itlog at tucino,
mama.” Sagot ko habang naka ngiti sa aking mama.
“Sige pagluluto kita, anak. Maligo ka muna at pagkatapos magbihis ka na dahil malalate ka na sa skol mo at kakain pa tayo.” Sabi ni mama sa akin.
“Sige po, mama.” Sagot ko at agad na tumalima sa sinabi ni mama.
Nasa banyo na ako at naalala ko yung sinabi ng kapitbahay namin na marites na hindi daw ako tunay na anak ng mga magulang ko.
Napa isip tuloy ako kung tanungin ko kaya si mama. Wala naman masama kung magtanong ako sa mga magulang ko. Pero hindi ako naniniwala na ampon lang ako.
Pagkatapos kong maligo ay dali -dali na akong nag bihis ng uniform. Nag ayos na din ako at nag suklay ng buhok ko.
Inayos ko muna mga gamit ko sa bag para sa school. I was 16 yrs old na Grade 11 student.
Pababa na ako ng hagdanan bitbit ang mga gamit ko sa school. Inilapag ko muna ang bag sa upuan saka ako pumunta mg kusina para kumain ng agahan.
“Ma, tapos na po akong magbihis.” Sabi ko kay mama.
“Halika na at naka hain na ang pagkain sa mesa nandito na din si papa mo.” Aya ni mama sa akin.
“Manalangin muna tayo sa Panginoon, Natasha. Bago tayo kumain,” sabi ng ama ko.
“Opo, papa.” Sagot ko.
“In the name of the Father the Son the Holy Spirit . Amen. Dear Lord, thank you for this food we are about to eat. We are grateful for Your provision. We ask that You would bless this food and continue to guide our family along Your path. In the name of Your son Jesus, amen.” Pagdadasal ko saka kami nagsimulang kumain.
“Natasha, kumusta ang school mo anak?” Tanong ng ama ko.
“Okay naman po, papa. Matataas din po grades ko po sa ngayon.” Sagot ko sa aking papa.
“Pagbutihin mo sa pag- aaral, anak.
Kahit mahirap lang tayo basta may pinag aralan malaking yaman na yan para sa amin na makapag tapos ka ng pag aaral, anak.” Sabi ng papa ko.
“Opo papa pag bubutin ko po ang pag-aaral po papa para sa inyo ni mama po.” Pa.
“Ma,pwede po bang magtanong?”Tanong ko sa mama ko.
“Wag ninyo po ma masain po mama at papa anak nyo po ba ako?”
Tanong ko sa kanila.
Natigil sa pag subo ang ama niya.
“Bakit mo naman na tanong yan anak?”
Sagot ni mama ko.
“Kasi po narinig ko po sa labas sa may kanto natin sabi po ng isang babae na hindi ninyo po ako tunay na anak po.”
Sabi ko sa magulang ko.
Napatingin sila ni mama at papa sa akin na may gustong ipagtapat sa akin.
Anak, wag kang magagalit sa amin anak .
“Ang totoo binigay ka lang sa amin ng isang matandang babae noong sanggol ka pa.” Sagot ni papa sa akin.
Napaluha ako ng malaman na totoo pala na isa pala akong ampon ng magulang ko.
“Hindi na namin kayang itago habang lumalaki ka na anak.” Sagot ni mama sa akin.
“Pero sino po ang tunay kung magulang po?” tanong ko kay mama.
“Hindi din namin alam dahil isang matandang babae ang nagdala sayo dito sa amin noong sanggol ka pa.” Sagot ni papa sa akin.
“Anak hindi kami magbabago sayo mahal na mahal ka namin Natasha kahit anong mangyari ikaw ay anak namin.”Sabi ni mama sa akin.
“Hindi po kayo nagkulang sa akin mama at papa mahal na mahal ko po kayo .
Nagpapasalamat po ako sa inyo na hindi nyo ako pinabayaan.” Sambit ko sa kanila.
“Papasok na po ako mama , papa sa school ma late na po ako.” Paalam ko sa kanila.
Naglalakad ako na may maraming iniisip na hindi ko maintindihan bakit ganun nangyari sa akin at kung bakit iniwan ako ng tunay kong pamilya.
Naguguluhan na isip ko.
“Ano kaya hindi muna ako pumasok ngayong araw na ito?”Bulong ko sa sarili.
Doon muna ako mag tambay sa lagi kung pinupuntahan na puno.
Tahimik , masarap ang simoy ng hangin sa paligid hanggang nakarating ako sa may puno na lage kung pinupuntahan.
Umupo ako sa ilalim ng puno sa may damuhan.
“Iniisip ko pa rin ang sinabi ng mga magulang ko dahil sa nalaman ko .
Tinatanong ko din ang sarili ko. Sino kaya ang totoong magulang ko? Buhay pa kaya sila? Bininta ba ako sa iba? O kinidnap ba ako para ipatapon sa ibang lugar?
Andami pumapasok sa isip ko .Pero walang makaka sagot sa akin.”
“Humiga nalang ako sa damuhan at napa tingala sa langit. Napabuntong hininga nalang ako habang iniisip ko ang pagkatao ko.
Hindi ako mapakali sa mga tanong ko sa sarili.
Sino kaya makakatulong sa akin, para mahanap ang totoo kung magulang.
Sana po hanapin din nila ako.
Sa pagtatambay ko dito naabutan na lang ako ng hapon dito sa ilalim ng puno.”
Bumangon ako para umuwi na . Diretso na ako sa tindahan ni mama para tumulong sa pag titinda sa store ni mama.
“Ma,dito na po ako mama.” Sabi ko kay mama.
“Nak,saan ka galing hindi ka daw pumasok sa school ninyo?” Saan ka ba napupunta ?
Masama ba loob mo sa amin? Anak?”
Tanong ng mama ko sa akin.
“Hindi po mama,sa totoo nga po nagpapasalamat po ako sa inyo ni papa mama dahil hindi ninyo po ako pinabayaan.” Sagot ko kay mama habang may luha ako sa mata.
Hinalikan ako ni mama at niyakap.
“Wag mo ng isipin yan Natasha ang mahalaga mahal na mahal ka namin ng papa mo,Natasha tandaan mo yan anak.” Sabi ni mama sa akin.
“Anak mag aral ka ng mabuti malay mo makapagtapos ka ng pag aaral,mahanap mo totoo mong magulang. Basta nandito lang kami ni papa mo wag kang matakot abutin ang pangarap mo anak. Nandito lang kami pinapangako namin hanggang sa pagtanda namin ng papa mo nandto pa rin kami.” Sambit ni mama sa akin.
“Pangako po mama magtatapos po ako sa pag-aaral at tutulong po ako sa inyo ni papa. Ayuko pong napapagod na si papa
sa pagiging family driver. Halos gabing -gabi na nakauwi si papa sa atin mama.” Sabi ko kay mama.
“Hala,sige na mag palit ka ng damit bata ka basang -basa ka na sa pawis. Nagdadalaga ka na kailangan panatilihin malinis ang katawan mo anak at wag na wag kang sumasama kung kani -kaninong hindi mo kilala Natasha. Ako talaga papalo sayo anak.” Sambit ni mama sa akin.
“Opo mama hindi po, Promise po.”
Sagot ko kay mama.
Dali-dali akong umuwi sa bahay para magbihis at mag ayos . Ayaw ni mama na pabayaan ko ang sarili ko dahil dalaga na daw ako.Kailangan maayos manamit.