Chapter 12 Nagising ako sa labas nang pinto ni Austin. Dito talaga ako sa labas nang kwarto niya natulog para masigurado ko lang na hindi siya aalis. Tumayo ako at dumiretso sa kusina para ipaghanda siya nang makakain. Inayos ko ang buhok ko para hindi makalat tingnan ang mukha ko at pati ang salamin nang mata ko ay inayos ko na. Sinimulan kong lutuin ang ang hotdog, itsog, ham, may hinanda narin akong bread at kape para kung ayaw niyang kumain nang kanin edi pwede siyang kumain kahit tinapay man lang. "Austin.." katok ko sa kwarto niya pero walang sumasagot. Sinimulan na akong kabahan dahil kahit sagot man lang sa pagtawag ko ay wala akong narinig. Kakatok sana ulit ako nang bigla itong bumukas. Bahagya akong nagulat ngunit hindi ko ito pinahalata at ngumiti sa kanya. Dumaan lang siya

