Chapter 10 "Maddi." nag aalalang usal ni Elvis sa tabi ko pero hindi ko man lang siya magawang tingnan. Nakatingin lang ako sa kay Austin at Allyson na kinakausap ang mga kaibigan nila. Oo.. mga kaibigan nila dati nung nasa koleheyo pa kami. Kaya pala yung iba ay pamilyar sakin. Mga schoolmates ko pala sila dati. Nakangiti silang lahat. Silang lahat masaya pero ako??? Bakit hindi ko magawang maging masaya sa kanila? Akin si Austin eh...akin lang siya.... Naramdaman ko ang panginginig nang mga kamay ko habang nakatikom ito sa laylayan nang aking dress. Nakita kong nakahawak si Austin sa bewang ni Allyson habang bumubulong pa sa tenga nito at pareho silang tatawa. Sobrang sakit! Ang sakit sakit! Napayuko at mariin kung pinikit ang mata ko para pakalmahin ang sarili ko. "Bagay talaga sil

