One month after ng proposal sa akin ni Cykren na ang nakakalipas at iyon din ang huli naming pagkikita. Sabi nya aayusin nya ang plano sa kasal namin.
He said hindi magarbo ang kasal namin at walang masyadong bisita dahil tago daw sa media. Ayos lang naman sa akin. I want it to be private and solemn anyways. Kahit iyong mga katrabaho ko lang ang imbitado ay ok lang sa akin.
Ang sabi nya ay magpapaalam daw sya sa kanyang mga magulang na to this day ay hindi ko pa nakikita but he warned me na mas ok na hindi ko na lang sila makilala before the wedding.
He said there is a chance na hindi nila ako approve para sa kanya. But he doesn't care. Pangako nya sa akin ay pagkakasal na pagkakasal naming dalawa ay makakakuha na sya ng Filipino citizenship through me at uuwi sya sa Pinas kasama ako at doon na kami mabubuhay in peace.
He is an engineer so pwede syang magtrabaho sa mga kumpanya sa Pinas or mag turo sa mga kilalang universities for a living.
Pwede naman daw ako mag work kung gusto ko as a Lounge Singer sa mga mamahaling hotels dahil malakas na ang backer ko through Ms. Recella's Frevr.
Pero kung si Cykren ang tatanungin ay mas gusto nya na maging plain housewife na lang ako at mag alaga ng magiging anak namin.
May bahay na naiwan si tatay sa probinsya at may pera naman akong naipon sa bangko para makapagsimula kami ng bagong buhay. Meron din daw perang naitabi si Cykren at kung iinvest namin sa magagandang companies ay tyak mabubuhay kami ng payak at sagana sa buhay.
Lahat ng iyan at so much more ay napagusapan at napagplanuhan namin. Once we get married, he will use his connections para mapabilis ang pag acquire nya ng Filipino Citizenship at sabay sa nakatakdang kasal namin next week ang pagtatapos ng kontrata ko sa Frevr.
Plantsado na ang lahat. Siya na lang hinihintay kong bumalik at simulan na ang mga binabalak namin.
"Mika, bakit kaya one month na akong hindi kinokontak ni Cykren?" alalang tanong ko sa katrabaho ko na kakatapos lang ng kanyang kanta at umupo sa tabi ko, "Next week na yung kasal namin. Ano na kaya nangyari?"
"Ryn kalma lang. Nagpapaalam sya sa mga parents nya diba. Tsaka diba sabi mo madami syang inaayos para makasabay sya pag uwi mo sa Pinas? Siguro sa mga tulad nating O.F.Ws madaling umalis sa bansang ito pero sa isang tulad nya na umikot ang buong buhay dito sa U.K, isang malaking paghahanda at empake ang kailangan nyang gawin. Not to mention ung mga apeles na kailangan at yung transfer ng pera nya to name the few. Lastly, take note na hindi lang sya normal na citizen ng U.K. He is one of the landed nobilities here so doble siguro ang pagpeprepare nya. Calm down Ryn. Everything is gonna be fine. Wedding jitters lang yan," kalmadong sabi sa akin ng kaibigan ko at inabutan nya ako ng isang baso ng tubig.
Pagkainom ko ng tubig ay huminga ako ng malalim at tumingin sa labas ng bintana sa busy street ng London.
Sana nga wedding jitters lang ito. Sana nga.
-0-
Three days before the wedding at wala pa ring Cykren na nagpapakita sa akin.
Hindi man ipakita ng mga katrabaho ko eh kita sa kanilang mga mukha ang pag aalala. Mika stayed positive fitting of a true friend. Sinasabi nya baka may surprise lang si Cykren sa akin on the day of our wedding at ipagpatuloy ko pa rin daw ang pagpeprepare.
And I did.
Hinanda ko ang mga papeles na iniwan ng fiancé ko at inayos ang venue. Tuloy din ang preparation ng Frever dahil sa pinagtatrabahuhan ko ang reception after ng kasalan sa huwes.
Ngayong araw na ito ay lalabas kami ni Mika para bumili ng wedding dress na isusuot ko. She is unusually jolly at napaka energetic. Baka pilit lang nya akong pinapasaya.
I tried to emulate her para hindi naman ako magmukhang kawawa. Three days na lang kasal ko na! What can possibly go wrong diba?
"Ryn wow! Ang ganda mo dyan!" masayang exclaim ng kaibigan ko pag labas ko ng fitting room.
Napatingin naman ako sa salamin and I have to agree with her.
Ang ganda ko nga dito sa wedding gown na ito. Sa halip na tabunan nito ang taba ko ay hinayaan lang nitong lumabas ang mga bilbil ko at sumunod sa curves ko ang gown turning me to a very big and beautiful woman that exudes confidence no matter what her size is.
"Oo nga. Magkano kaya ito?" curious kong tanong sabay hanap sa price tag.
Lumapit naman ang isang Briton na saleslady sa friend ko at kinausap nya ito.
"Ryn one thousand pounds lang daw. May twenty percent discount pag credit card ang ginamit," sigaw sa akin ng kaibigan ko.
Napangiti naman ako at tumango.
Pasok sa budget ko, "I'll take it, please," magiliw na sabi ko sa nakangiting sabi ko sa saleslady na agad tumango.
Pumasok naman ako sa fitting room at mabilis na tinanggal ko ang wedding dress at paglabas ko ay nag-aabang na sa akin ang saleslady kasama ang cashier na hawak ang credit card machine.
I paid using my credit card at hinayaan kong maayos nilang ipack yung damit.
Masaya nila akong binati ng congratulations bago kami lumabas ng shop.
Next na nagpunta kami sa isang posh jewelry shop para na din daw bumili ng alahas na isusuot ko sa araw ng aking kasal.
Ang daming pamimilian, ang daming iba't ibang klase ng alahas na ang karamihan ay mas mahal pa sa naipon kong pera.
"Ryn, tingnan mo ito, ang ganda oh," tawag sa akin ng aking kaibigan na nakatayo sa kabilang estante at may sinisipat na alahas.
Tumabi ako kay Mika at nakita ko ang kanyang tinitingnan.
Isang set ng blood red garnet jewelries including necklace, ring, earrings, brooch at bracelet.
"An excellent choice," masayang sabi ng jeweler sa amin, "Garnet symbolizes passionate devotion and purpose in life. Only few people know the value and meaning of this often neglected gemstone," inilabas nya ang mga ito at ipinahawak sa akin.
It is as red as the setting sun.
"How much is it?" tanong ni Mika.
"Four thousand pounds," magiliw na sagot nito.
Napatingin naman sa akin ang kaibigan ko, "Ano Ryn? Kuhanin mo?"
Napaisip ako bigla. Masyadong mahal at malaking kabawasan sa ipon ko kung sakali. Malungkot na ibabalik ko na sana yung alahas sa lalagyanan pero biglang naglabas ng credit card si Mika.
"Babayaran ko kalahati Ryn. Think of it as my gift to you. Sayang, kunin mo na," seryosong sabi nya sa akin.
Tatanggi sana ako pero kita kong nakatitig na nakatitig sya sa akin as if telling me she is not kidding.
Hinarap ko ang jeweler na nag aabang, "We'll take it. Put the half here and another half on her card," sabi ko sa kanya na agad naman nyang sinunod pagkakuha ng credit cards namin.
Masaya kaming lumabas ni Mika sa shop bitbit ang aming pinamili.
Thanks sa binili kong wedding dress at alahas pati na rin sa masayang outlook ni Mika ay gumaan ang pakiramdam ko at finally ay narealize ko na baka ako lang talaga ang nagiisip ng hindi maganda. Everything is fine. Masyado lang akong praning.
Naglalakad na kami papunta sa bus stop ng mapansin namin ang isang malaking grupo ng tao at ilang sasakyan ng media na nakapaligid sa entrance ng The Savoy, ang isa sa pinakamahal at high class hotel sa U.K.
Tatawid na sana kami ni Mika ng kalye pero napatigil kami ng makita namin kung sino ang lumabas mula sa lobby ng hotel at tumayo sa tapat ng madaming camera.
Si...
"Lord Cykren is it true that you are now engaged to Lady Ingrid of the House of Sullington?"
To my horror ay tumango si Cykren at ngumiti pa sa camera, "That's a fact. We will be married anytime next week and the details will be announced to the public days before the event," nakangiti nitong sagot sabay halik sa labi ng matangkad at magandang blonde na babae na mukhang mahal na mahal sya.
Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid nila at wala akong naramdaman kundi pure shock.
Ang dami pang tanong ang umulan sa dalawa at hindi ko na namalayan na naglalakad na pala ako mindlessly papunta sa kanila.
Tumba lahat ng makasalubong ko sa laki at bigat ng katawan ko habang inaararo ko ang mga tao without even feeling anything makalapit lang sa kanya.
Kay Cykren.
Nakarating na ako malapit sa kanila at ang mga personal bodyguards na ang humarang sa aking dadaanan.
Mukhang kahit ang mga gwardya nya ay hindi ako kaya dahil tatlo ang pumigil sa aking paglalakad.
Nasilaw ako sa sobrang dami ng ilaw na tumutok sa akin and I just realized that I caused a huge commotion sa walang habas kong paglalakad ng walang pakundangan.
Napatingin sa akin si Cykren and I tried to convey my shock and questions through my stare alone but he didn't even react at all na parang hindi nya ako halos kilala.
"I think I know her love," sambit bigla ni Ingrid, "She is the singer from your birthday celebration! Oh, I adore her and her voice!" masaya nitong sabi sabay lapit sa akin at pinatabi ang mga guards na napigil sa akin.
"Hello, I'm Ingrid and I really, really bloody love you and your singing. I will really be honored if you will sing on my wedding?" magalang na tanong nya sa akin sabay bow pa.
I don't know what to think, much less what to say. Blangko ako, blangko. Ang tanging nararamdaman ko ngayon ay ang sakit ng dibdib ko na hindi maipaliwanag ng aking kokote.
Bigla kong naramdaman ang pagangkla sa akin ni Mika na nakaplaster ang fakest smile nito na reserved lang mga lasing at tangang customers, "Of course we are very much willing to consider it Lady Ingrid. For further inquiries, please do contact the main office of Frever here in London. Excuse my friend, she is a big fan of you two and she just can't believe the news. She is like, your fan of the century. Isn't she cute?" matamis at smooth nitong sabi na surprisingly ay nag pa "Awww" sa mga nandodoon at nagsipalakpakan sila.
Nakumbinsi naman ang babae sa harap ko at nagbow ulit bago umangkla kay Cykren na isang sulyap lang ang binigay sa akin bago sumakay na sila ng kotse.
Mabilis na nagsipulasan ang mga tao sa paligid namin hanggang sa naiwan na lang kaming dalawa ni Mika sa gitna ng daan.
"Ryn. Uwi na tayo, halika," udyok sa akin ni Mika habang hinihila nya ako papunta sa bus stop.
Nakasakay na kami sa bus at wala pa rin akong maramdaman.
Wala. Kahit ano, kahit galit o lungkot wala.
Tanging hindi mapigilang sakit lang ng puso ko ang nararamdaman ng aking buong pagkatao.