Tamara’s POV Pagkatapos naming maglandian maghapon sa tabing dagat ay bumalik na kami sa cottage para maghapunan. Sa isang malaking table ng veranda kami kumain. Mga fresh na seafood’s fruits at fresh buko juice ang nilantakan namin. Nagkaroon din ng inuman session sina Itay at si Nathan kasama nila si Mario samantalang kaming mga babae naman ay panay lang selfie dahil ito ang unang beses na lumabas kaming pamilya. Umiinom din kami pero flavored beer lang. Makalipas ang ilang oras na masayang salo-salo. Niyaya ako ni Nathan sa labas para maglakad-lakad sa dalampasigan. Nagpapahinga na rin ang mga bata katabi si Mommy sa kabilang kwarto. Kaya nagkaroon kami ng time ni Nathan na lumabas. Umupo kami sa malaking bato na nakaharap sa dagat. Liwanag lang ang nagsisilbing ilaw sa paligid su

