Third Person's POV “Kumusta ang naging lakad mo?” Tanong ni Mr. Yao sa kay Leandro. Kakabalik lang nito sa kanilang pinagtataguan na lugar matapos makatakas sa mga awtoridad na humahabol sa kanila. “Wala na ang pakilamerong Nathan na yun. Sigurado akong naging pagkain na ng isda ang kanyang katawan.” Natatawang sabi ni Leandro. “Mabuti naman kung ganon, sinabi na rin sa akin ni Zax na napuruhan daw niya si Raul kaya siguradong patay na rin ‘to. Ang kailangan na lamang nating problemahin ay si Tamara.” “Ako na ang bahala sa kanya Dad, ang dapat niyong asikasuhin ngayon ay ang B.O.S pati na rin ang kasong sinampa laban sayo.” Paalala ni Leandro sa Ama. “Wag kang mag-alala, napag-usapan na namin ni Zax ang bagay na yan. Basta siguraduhin mo na wala ng ibang nakakaalam sa illegal kong

