Tamara’s POV Pinagmasdan namin ni Nathan ang mga bata. Mahimbing na silang natutulog ngayon. At sa palagay ko ay wala namang nangyaring trauma sa kanilang dalawa. Nakiki-pagkulitan pa nga sila kanina sa amin habang papauwi. Nangangamba ako na ngayong alam na nila ang tungkol sa amin ni Nathan. Baka magkaroon sila ng idea sa ginagawa namin. Dahil bilang isang Ina hindi ako makakapayag na maging kagaya ko sila. Hanga’t maari ay ayokong madungisan ang kanilang mga kamay ng dugo mula sa mga masasamang tao. Kaya hanga’t kaya namin ni Nathan na protektahan sila at ilihis sa mas magandang landas ay gagawin ko. Para hindi nila danasin ang nangyari sa amin. “Hon, wag ka ng mag-alala. Nakita naman natin okay sila diba?” Sambit ni Nathan sa tabi ko. Iniyakap pa niya ang kanyang braso sa aking be

