Tamara’s POV “I hate you Mom!” Hawak-hawak ang nasaktang pisngi na tinakbo niya ang papasok sa loob ng bahay. Napatingin ako sa aking palad, ito ang unang beses na pinagbuhatan ko siya ng kamay. At ito rin ang unang beses na nagalit ako sa kanya. Alam kong mali ang ginawa ko dahil bigla ko na lamang siyang sinaktan ng hindi ko man lang naipapaliwanag sa kanya ang lahat. Hindi pa kasi ito ang tamang panahon para sabihin namin sa kanila ni Sol ang tungkol sa dati kong buhay ay sa trabaho ni Nathan. Dahil alam kong hindi nila kami maiintindihan. Ngunit nangyari na rin ang lahat at nasaktan ko na siya. “Hon, its okay…kakausapin ko na lang si Luna.” Mahinahon na saad ni Nathan. Iniwanan niya kami at sinundan niya si Luna. Lumapit naman si Mommy sa akin. “Hindi ko po sinasadya.” Nangingili

