Chapter 5: POV

1519 Words
Curtney Nagising akong nasisilaw sa sikat ng araw. Umaga na pala napakabigat nang pakiramdam ko. Hindi rin ako nakatulog nang maayos magdamag. Dahil sa mga nangyari kagabi parang kung anong lungkot ang nanalatay sa puso ko. Tanghali na pero hindi ko magawang bumangon. Mabuti na lang at Linggo pa lang ngayon kung hindi... Siguradong hindi ako makakapasok sa school sa mga nangyari. Hindi rin naman ako makakapag-concentrate, sa itsura kong 'to na parang binagsakan ng langit. Babalik na sana ako sa pagtulog nang marinig ko ang malalakas na katok at sigaw sa pinto ng kwarto ko. "Besh." tok.tok.tok. "Besh." tok.tok.tok. Pero tinatamad akong buksan 'to. "Curtney, bestfriend please open up," nagmamakaawang pagtawag nito. "Alam kong naririnig mo 'ko." tok. tok. tok. Napilitan akong buksan ito dahil alam kung hindi ito titigil hangga't hindi ko binubuksan ang pinto at ayoko sana itong pagbuksan dahil ayokong makita niya akong nagkakaganito. "Besh, I'm sorry," malungkot na sabi nito at mahigpit akong yinakap nito. "I'm so- sorry besh," umiiyak nitong sabi. "Sobra kaming nag-alala sa'yo ka gabi nang hindi ka na bumalik at nang hindi na kita makita sa party. Hinanap ka namin kung saan-saan. Tinatawagan ka namin pero hindi ka sumasagot. Pinuntahan kita dito ka gabi pero wala ka pa rin. Akala ko may masama nang nangyari sa'yo. Ang akala ko maghahanap ka lang ng larawan ng mga Salvador. Ano bang nangyari sa'yo? Sana sinamahan na lang kita. At bakit ganyan ang itsura mo? Umiyak ka ba buong gabi?" nag-aalalang sunod-sunod na tanong nito habang hawak ang dalawang braso ko. "Relax. Isa-isa lang, mahina ang kalaban ang dami mong tanong." "Ok? Ano ba nangyari sa'yo? Bakit hindi ka na bumalik? Kung saan-saan ka namin hinanap ha?" "Bumalik ako at hinanap ko kayo. Nawala ang bag ko sa party kaya hindi ko kayo natawagan." At e-kwenento ko na rito lahat ng mga nangyari. Pati ang pagkikita namin ng bastos na 'yun ang pagbabanta nito sa'kin at ang bigong pagnanasa ko rito. "Hot ba? Gwapo ba? " kinikilig na sabi nito. "My God! Jane, Ano ba yang sinasabi mo?" "Bakit hindi ba hot? Wala naman kasi ni isang pangit ang nasa party. So, it means hot din yun," natatawang saad nito. "Oo na! Ang gwapo niya," pagmamaktol kung pag-amin. Ayoko sanang sabihin pati 'yun kaso, hindi ito naniwala na hindi ko ito pinagpantasiyahan. "Hahaha" malakas na tawa nito."Kaya ka ba umiyak buong gabi? Dahil hindi na tuloy ang pagpapantasya mo?" "Hindi ha! " mabilis kung pagtanggi. Hahaha. malakas na pagtawa nito ulit. "Grasya na naging bato pa." "Ano ka ba? Kaibigan ba talaga kita? Bakit ganyan na lang ang tawa mo?" naiinis kung saad rito. Hahaha. "Ano ka ba besh? Masaya lang ako para sa'yo, ngayon ka lang kasi nagkaganyan. Baka tinamaan ka na ni kupido at baka siya na ang Mr. right mo." "Anong kupido? Anong Mr. right naman 'yang sinasabi mo? Ikaw talaga kahit kailan! Ikaw... Ikaw! Ang may kasalanan nito kung hindi sa mga plano mo hindi sana mangyayari 'to," pangkokonsensiya ko sa kanya. "Sorry na besh. 'Wag mo akong itatakwil. nakaluhod nitong sabi." Natawa na lang ako sa ginawa nito. "Tumayo ka na nga diyan! Sa labas tayo kakain, libre kita para makabawi ako sa ginawa ko at para mabawasan 'yang ilusyon mo," hahaha malakas nitong tawa. Tatanggi pa sana ako nang hilahin ako nito patayo. Kinuha ang gamit kong panligo at hinila pa ako puntang banyo. Ayoko sanang umalis pero alam kung hindi ito titigil na hindi ako sumama. Alam kasi nitong hindi ko siya matitiis. Wala na akong na gawa nang makapasok ako sa loob ng banyo. Ipinihit ko na lang ang shower at hinayaang lunurin ako sa lamig ng tubig, gusto kong makaramdam nang manhid kahit sandali lang. "Ano ba ang nangyayari sa'kin? Bakit paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga nangyari ka gabi? Sino ba siya? Bakit ba ako nagkakaganito?" tanong ng isip ko. " Bakit ibang lungkot ang nararamdaman ko? Tama ba si Jane na siya na ang Mr. right ko? Kaya ginugulo nito ang diwa ko. Hindi! Kahit ano'ng mangyari hindi ako dapat magkagusto. Gusto?... 'Yun ba talaga ang nararamdaman ko? Hindi! Hindi pwedeng mangyari 'yun. Hindi ako magkakagusto sa isang bastos na kagaya niya. Kung hindi dahil sa kanya, nakahanap na sana ako kahit isang larawan man lang ng mga Salvador. Kasalanan niya ang lahat. Tama galit ako sa kanya, dahil sa kanya na sayang ang pagkakataon ko na makilala ang mga Salvador, dahil sa kanya nasira ang mga plano ko. Ilang sandali ko pang hinayaang ang sarili ko sa ilalim ng shower bago tuluyang tapusin ang pagligo. Nagulat ako paglabas ng banyo nang makita ko ang nagsasalubong na kilay ni Nica at nakapameywang pa ito. Nakabihis na rin ito, siguradong papasok na sa trabaho pero bakit nandito pa' to? Hinihintay ba ako nito? Ang babaeng 'to talaga parang multo pasulpot-sulpot na lang, saad ng utak ko. "Ikaw!" sabay duro niya sa'kin. "Ang landi mo talaga!" galit na sabi nito. Hinarangan pa nito ang dadaanan ko at dinuro-duro ako. Hindi lang ako gumaganti ayoko kasing humaba pa ang usapan. Iniiwasan ko na lang siya. Pero hindi niya talaga ako hinahayaang maka daan. ''Bakit kasama ko si Bob kagabi? Kayo na ba?" sunod-sunod na tanong nito. "Ano bang mayroon ka na wala ako? Sabihin mo nga sa'kin anong gayuma ba ang ginamit mo kay Bob at hindi ka niya makalimutan?" "Please Nica, just let me go. Ayoko nang away." "Ayaw mo nang away? Pwes ako naghahanap nang away!" Hinablot nito ang buhok ko at sinampal sampal ako. Napahiyaw na lang ako sa sakit. Kaya gumanti na rin ako. Nagsabunutan kami at kinalmot ko siya sa mukha kaya kitang-kita ang namoong galit sa mukha nito nang makapa ang kunting dugo rito. Sumugod siya ulit at sa pagkakataong ito hindi ko siya hinayaang makalapit at kaagad ko itong sinampal at tinadyakan sa tiyan. Sinabunutan niya ako ulit at sinipa rin. Hanggang sa matumba kaming dalawa at nagpatuloy pa rin kami. Lahat nang masagi namin basag. Nadaganan niya ako at nagpaibabaw sa'kin sinasalo ko ang bawat sampal na ginagawa nito. "Malandi ka!" sigaw nito sabay sampal sa'kin. Nang makabawi ako siya naman ang pinagsasampal ko. Hanggang sa dumating ang mga ka boardmate namin at si Jane para awatin kami. Patuloy pa rin ang pagmamatigas nito. "Malandi ka! Ang landi-landi mo! Hindi ka pa ba na kokontento sa mga matatanda mo at pati ang akin inaagaw mo!" galit na galit na sabi nito. "Kahit ano ang sabihin mo hindi ako nasasaktan dahil hindi naman 'yun totoo. Kaya ka nagkakaganyan dahil hindi mo matanggap na kahit ano'ng landi mo kay Bob, hinding-hindi siya magkakagusto sa'yo." Akmang susugurin na naman ako nito nang dumating si Aling Mara. ''Tumigil na kayo!' "Si Curtney kasi Aling Mara." "Tama na Nica!" "Pero!" "Alam ko ang lahat nang ginagawa mo kay Curtney at alam kong ikaw ang nag-umpisa nito. Kapag naulit pa ang ginagawa mo wala akong magagawa kundi ang paalisin ka." Galit at padabog na umalis ito. "Ano'ng masakit sayo?" nag-aalalang tanong ni Aling Mara. Parang anak na kasi ang turing nito sa'kin. Kaya ayaw kong umalis sa lugar na 'yun. "Okay, lang po ako," sagot ko rito. "Pasensiya na po babayaran ko na lang po lahat ng mga nabasag." "H'wag mong intindihin 'yun iha, alam kong hindi mo naman ginusto ang mga nangyari." Yumakap si Jane sa akin. "Are you okay, besh? Sumama ka na kasi sa'kin sa condo ko. Binigyan kasi ito ni Alfonso ng sariling condo kaya hindi na kami magkasama ngayon. ''Nakakahiya kasi besh at isa pa, privacy niyo ni Alfonso ang lugar na 'yun, Alayokong makaistorbo," natatawa kong sabi rito. Nagtawanan na lang kami ulit. "Masakit ba? " tanong nito nang makita ang mga kalmot ko sa mukha. "Aray! " napaaray na lang ako sa sakit nang hawakan niya ito. "Halata ba?" pagmamaktol ko. Natawa na lang ito sa sinabi ko. "Para ngang matatanggal na ang anit ko," sabay reklamo ko. Tiningnan naman niya ang ulo ko at inayos ang magulo kung buhok. "Ano besh, alis pa ba tayo?" "Parang nawalan na ako ng gana." "Kung sa condo ka lang kaya muna ngayon at doon ka na muna matulog ngayon gabi? '' suhestiyon nito. "Please besh, miss na kasi kita. Matagal ka ng hindi natutulog doon. Nagtatampo na ako sa'yo at isa pa baka ano naman ang gawin sa'yo ng babaeng 'yun," pangungulit nito. "Sige na nga," pagpayag ko. "Yey! Thank you besh magpapakalasing tayo mamaya," excited na sabi nito. Ang dami naming na ubos na alak, lasing na lasing na kami at si Jane nakatulog na sa sala at hindi na ito magising kahit ano'ng gising ko. Kahit hindi na rin ako halos makatayo pinipilit kong makarating sa kwarto ni Jane at kumuha ng kumot at unan. Binalikan ko ito at inayos itong makahiga nang mabuti. Kahit pasuray-suray na ang lakad ko nagawa kong makapunta sa kwarto na lagi kong ginagamit kapag nasa bahay ng kaibigan. Pabagsak kong inihiga ang katawan sa kama at tuluyan na namang namayani ang lungkot sa puso ko. Napapikit na lang ako sa sakit hanggang sa kainin na ako ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD