Curtney Maghapon akong tulala na kahit nakatingin ako sa aming professor ay wala kahit ano'ng pumapasok sa utak ko. Lunes na Lunes wala akong gana. Natapos ang maghapon na wala akong naintindihan. Paglabas ng gate may isang lalaking nakasandal sa kotse nito at pinagkakaguluhan ng mga istudyanteng babae. Linagpasan ko lang ang mga ito. Nang may tumawag sa akin. ''Curtney Salvador," sigaw nito sa pangalan ko, habang papalapit sa'kin. Kitang-kita ang inis ng mga babae nang lapitan ako nito. "Sayang? Taken na pala si pogi," panghihinayang na sabi ng isang babae. "Yes? Do I know you?" tanong ko. Napaatras ako nang makilala ang papalapit sa'kin. Kitang kita ko ang magkasalubong nitong mga kilay. Para bang kakainin ako nito ng buhay. "Oh, my!" sambit ko sa sarili. Aalis na sana ako par

