Nagising siya na nasa isang ospital na naman. Napabalikwas siya ng bangon nang maalala ang mga nangyari. "Babe, dahan-dahan lang mahina pa ang katawan mo," utos sa kanya ni Brint. "Ang baby ko, kumusta ang baby ko?" naghihistirical na niyang tanong habang hawak ang tiyan niya. "Please! Tell me how's my baby?" nagaalala niyang tanong. "Relax, babe na baby is fine," seryoso niyang sagot. Saka lang siya tumigil sa pag-iyak, yinakap naman siya Brint nang mahigpit at hinalikan sa noo. "Mahiga ka muna at tatawagin ko lang ang doctor." Tinulungan siya nitong makabalik sa paghiga bago ito lumabas para tawagin ang doctor. Hinimas-himas niya ang tiyan sa pagaakalang iniwan na siya nito. Nang bumalik na si Brint kasama na nito ang isang doctor at nurse. "How are you Mrs.?" tanong sa kanya is

