Curtney "Ano ba'ng ibig niyang sabihin? Bakit ba hindi mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi nito? Bakit ba? Ano naman kaya ang mapapala niya sa'kin? Hindi naman ako mayaman, ha. Halos sabog na ang isip ko sa kaiisip. “Ano ba 'to! Simula nang magtagpo ang landas namin ng lalaking 'yun hindi na ako nagkaroon ng peace of mind. Nakakapagod na. Lagi na lang siyang laman ng isip ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Simula nang makita ko siya hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko." Nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino. Si Jane pala ang tumatawag. "Hello besh, may magandang balita ako sa'yo," masayang bati nito. "Guess what?” pangbibitin nito. "Ikakasal ka na?" biro ko sa kanya. Sabay tawa ko nang malakas. "Hindi pa no!" Ikaw ang ikakasal.”

