CHAPTER 4

818 Words
SIR ABE'S POV First day of school na. Andito ako ngaun sa parking lot nag aantay mag alas otso para sa aking unang klase. Bakit nga ba ako nag end up na magturo sa eskwelahan na ito? Ako nga pala si Abraham.Lumaki ako sa Singapore, Napunta ako dito sa Pilipinas nang akoy 17years old. Wala akong kakilala , wala akong kaibigan. Mahiyain ako, hindi ako palakausap, hindi ako palaharap sa mga tao. Mahina ang loob ko pero may bukod tanging babae na nagpaiba sa ikot ng mundo ko, Siya si Sheng ... Nakilala ko siya nung birthday ng kapitbahay namin, nakita ko sya sa may gilid ng gate namin nakasilong , mukhang inaantay niyang lumabas ung tao sa kabilang bahay. Napansin niya akong nakatingin sakanya, di ko maipagkakailang maganda siya siguro nasa 17 years old din sya. Ngumiti sya saakin , nahiya naman ako kaya pumasok agad ako sa loob ng bahay pero siguro e ipinanganak na makulit si Sheng , kumatok siya sa bahay namin .. " tao po , tao po" "Ay iha? magandang umaga! ano iyon?" Si mama ang lumabas para harapin siya " Hello po! Ako po si Sheng kapitbahay niyo po! Bago lang po kayo dito ano? pwede ko po ba ayain ung anak niyo? Dito lang po sa may katabing bahay niyo birthday po kasi ng kaibigan ko " Ang ganda niya , simple lang siya manamit , simple lang ung awra niya pero di ko maipagkakailang maganda siya. " Sige iha. tawagin ko lang ang anak ko.. Abe! " Ayaw ko sanang lumabas kaso makulit din si Mommy , naabutan ko siyang nakaupo na sa sala at nakangiti. " Hi! pinapasok na ako ni tita, ayain sana kita jan kila Cassandra birthday kasi niya. Unti lang kasi ang pupunta kaya isasama na lang kita " Sumama nalang ako para di na humaba ang usapan tutal sa kabilang bahay lang naman anytime na pag naboring ako pwede akong umuwi. Pero nagkamali ako , hindi pala ako maboboring , sobrang sarap kasama ni Sheng hindi ako nagkamali na paunlakan siya sa pag aya niya sakin. Lagi na niya akong kasama sa mga gala niya kahit sobrang init. Minsan naman ay nasa bahay lang kami nag momovie marathon kasama mga pinsan ko. Naging magkaibigan kami . lagi nya ako sinasama pag pupunta siya sa iba pa niyang kaibigan para daw may makilala akong mga taga subdivision. Lagi din kami nagbabike, nagkekwentuhan , parehas din kami ng pinasukang University nung nagcollege kami, ultimo kinuha naming course parehas din. Nag Nursing kami, lahat ng projects , thesis , defense kami ang mag kagrupo . di ko na namalayang nahuhulog na ako sakanya , wala siyang boyfriend, madami nanliligaw sakanya pero focus talaga siya sa pag aaral niya. Walang naging problema sa pag aaral namin, darating sa punto na parehas kami nahihirapan , iiyak , natuto din kami mag inom dahil sa mga problema sa studies , pag may celebration , sabay din kaming grumaduate , dun ko na naisipang manligaw sakanya since pwede na kami magtrabaho ... " Sir? malapit na po magstart ang class " kumatok si guard sa bintana ng sasakyan ko, tinanguan ko siya at nagpasalamat. mag aalasotso na pala .. Pag akyat ko sa silid, nagsimula na ako magtawag ng estudyante para sa kanilang attendance. " Luis D. Artamiel .. " Casiphia Summer V. Baron .. Kita kong may humahangos na dalwang estudyante papasok ng classroom. "present sir!" Mukhang estudyante ko sila, unang araw pa lang malelate na. sinimulan ko na magpakilala at hinayaan ko na din sila magpakilala sa isat isa , wala pa naman dapat gawing importante since unang araw pa lang. Nagulat ako nang lumapit saakin ang isang estudyante, siya ata si Casiphia , nakipag kamay sya saakin at humingi ng pasensya dahil sa muntik na nilang pagkalate kanina. tinitigan ko muna sya, maganda syang babae , hubog ang katawan sa uniporme nilang hapit . inabot ko ang kanyang kamay , malambot halatang hindi gumagawa ng gawaing bahay , o kung gumagawa man e paniguradong maalaga sya sa katawan. Mabango din ang kanyang presensya nakakaadik.. Ayaw ko pa sanang tanggalin ang pakikipag kamay ko pero siya na ang nag alis. tinanguan ko lang ulit siya. Kakaiba ang hatak sakin ni Casiphia , alam kong mali dahil student ko siya pero ang lakas ng dating nya. Andito ako ngaun sa canteen , nagkape ako dahil kulang ako sa tulog nang makita ko si Casiphia naglalakad papunta sa direksyon ko , para syang modelo kung maglakad, napakabalingkinitan nya pero mejo malusog ang kanyang hita at hinaharap na bumagay sa katawan niya. Hindi sya payat, sexy sya. umupo sya sa katabi kong upuan, di ko namalayan na nakatitig pa din ako saknya lalo na nung umupo at dumikwatro sya, kitang kita ang makinang nyang hita . s**t .. Ang sarap hawakan. Pero kelangan ko maging seryoso lalo na't pinili ko maging guro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD