Good mood akong pumasok kinabukasan. Naiisip nanaman kung papaano ako magiging mas close pa Kay Enchou. At kapag ang swerte ay lumapit na sayo, make sure you will grab it. "Good morning!", malambing kong sabi Kay Enchou na ngayon ay nakasimangot nang nakatingin sa akin. Kalalabas niya lang sa kotse niya at kasunod naman niya si Shania na nakangisi sa akin. " Good morning, Shan", bati ko. "Mornin", . inilingkis niya kaagad ang braso niya sa akin. Hinihila naman ito ni Enchou at nakangisi na akong nagtitingin sa kanya. " Ang aga aga , may nakahilera nang malandi. Huwag kang didikit dyan San, mahawa kapa sa kanya. ", mataray nitong sabi. Aba't ke umagang umaga, bad mood na. " Bad mood?", dumikit ako sa kanya na ikinagulat niya. Tinulak kaagad niya ako na para bang , tila isa ako

