Kacelyn Samiano Nakaramdam ng matinding kirot ang ulo at katawan ko kaya naman marahan akong nagmulat ng mga mata ko. Nanlalabo pa ang paningin ko kaya naman muli akong pumikit at pagkuwan ay muling nagmulat. Mabigat kong pinakawalan ang hininga ko. Nang luminaw na ang paningin ko ay napakurap-kurap ako ng ilang ulit. Pinagmasdan ko ng maigi ang kisame na nakikita ko. Pagkuwan ay marahan kong iginala ang mga mata ko. "Nasaan ako?" tanong ng isip ko sa sarili ko. Iginalaw ko ang ulo ko upang mapagmasdan ang buong kapaligiran. Napakunot ang noo ko nang mamalayan kong hindi ako pamilyar sa lugar na kinalalagyan ko ngayon. Dahil doon ay mabilis akong napabangon. Ngunit agad din akong napainda ng malakas sa biglaang pagsakit ng ulo ko. Napapikit ako nang makaramdam ako ng matinding pagkahi

