Kacelyn Samiano Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng matinding kaba sa sinabing iyon ni Brylle. Bukod doon, hindi pa ako handa na makipagkita sa kanya ng personal, dahil ayoko rin na may masabi o ma-disappoint ko si daddy. Sa halos dalawang buwan naming pagpapalitan ng mga chat at text messages ni Brylle, ay hindi pa kami nagkakaharap ng personal. Palagi din kasing nakabantay sa akin si daddy at pinapayagan lang nila ako ni mommy na lumabas kung si Manuel at si Briana ang kasama ko. Kung baga, never pa akong gumawa ng bagay na ayaw o lihim sa parents ko, kaya naman natatakot akong makipagkita ng personal kay Brylle. Alam kong ang O.A ng dating pero, pakiramdam ko kasi ay sumusuway ako sa parents ko kung patago o patakas akong makikipagkita sa kanya. At ayoko no'n. "N-ngay

