Brylle Dyllan Humigop ako sa tasang hawak ko habang mataman na pinagmamasdan ang files na nasa ibabaw ng table ko. Marahan ko pang itina-tap ang mga daliri ko sa table. Tila ba ine-enjoy ko ang mainit at ang masarap na lasa ng kapeng iniinom ko. "Kacelyn Samiano," pagbasa ko sa papel na may information at larawan niya na nasa ibabaw ng table ko. Muli akong humigop ng kape sa tasa ko. Pagkatapos ay sumilay ang isang malapad na ngisi sa aking mga labi. "Kaya pala kilala mo ako," mahinang usal ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at tuluyan kong binalikan ang mga masasarap na alaala nang gabing iyon... Hinihingal at pagod akong dumapa sa tabi niya matapos ko siyang angkinin. Mula roon ay malaya kong pinagmasdan ang kanyang maamo at magandang mukha. Hindi ako makapaniwala na isang birhen ang

