Kacelyn Samiano Tahimik lamang akong sumisimsim sa Café Latte na inumin ko, habang mainam naman akong pinagmamasdan ni Mommy sa harapan ko. Nakangiti siyang nakamasid lamang sa akin at hindi ako komportable dahil doon. Inilapag ko ang Café Latte sa ibabaw ng mesa saka ako sumandal sa upuan at humalukipkip sa harapan niya. Nandito kami ngayon sa Restaurant sa loob mismo ng Blue Prime Hotel. Pinagbigyan ko na lang siya sa gusto niya dahil alam kong hindi rin naman siya titigil. “Ano bang kailangan mo? Marami pa kasi akong ginagawa kaya sana… bilisan na lang natin,” saad ko sa kanya. “Anak, babalik na ako sa atin,” saad niya na siyang tuluyan nang umagaw ng interes ko. “Ano?” “Uuwi na ako sa bahay natin, Anak. Sa bahay natin ng daddy mo,” pahayag niya na siyang parang ikinakirot ng puso

