Lumabas ng dorm building sina Rod, Mike at Peter, wala si Diego. "Wala siya, hindi namin siya makita. Inikot na namin ang lahat ng floor at units pero wala siya." Napahawak ako sa noo. "Si Gio, narinig niya na si Diego ang pumatay kay Monique. Humabol siya sa loob. Hindi n'yo ba siya nakita?" Umiling sina Rod. "Nope." Napalingon kami sa sumisigaw na boses babae sa ground floor ng Dorm. "Bitiwan mo ang anak ko! Maawa ka, pakiusap!" Nakita namin si Gio, hila si Diego habang hawak 'to sa kuwelyo ng polo shirt nito, puro sugat ang mukha. Nakasunod si Manang Huling sa dalawa at umiiyak. "Napaka-hayop mo! Paano mong nagawang pumatay ng tao?" Ibinalya nito sa simento si Diego. Bagsak ang lalake, nagkasugat sa siko na ipinantukod nito. "H-hindi ko naman sadya eh. G-Gusto ko lang naman siyang

