"Iho, bumalik ka? anong sadya mo ngayon. ang pamangkin ko ba?". Nakangiti si Tita habang tinatanong no'n si Damone. Narito na kami ngayon sa dinning. Naghanda si Tita Minerva ng meryenda. Ngumiti si Damone pagkatapos ay tumingin sa akin. Hayan na naman ang mga tingin niyang kakaiba. Katabi ko siya sa upuan at sa harap namin si Tita. Hindi mapirmi ang pintig ng puso ko parang may kabayo sa loob at paulit ulit itong sinisipa! "Yes, ma’am. I’m here for your beautiful niece. May I take her out on a date?” Tumili si tita at saka tumango habang nakangiti pa rin. nagulat ako sa reaksyon niya. Akala ko pa man ay tutol siya o kaya magtataka. Eh, mukhang boto rin siya sa lalaki. Parang nong nakaraan lang ay sinasabi pa niya na mag dahan dahan ako kasi baka multuhin ako ni Gideon. pero n

