ELOISA: ________ Tahimik ang pribadong silid sa opisina ni Damone. Nakabukas ang ilaw sa gilid, sapat para magbigay ng malambot na liwanag sa balat ni Eloisa. Nakatayo siya sa harap nito—walang saplot, walang maitatago. Nanginginig, hindi dahil sa lamig, kundi sa kaba. First time. Ramdam niya ang bigat ng tingin ni Damone sa kanya. Hindi iyon bastos. Hindi iyon minamadali. It was hungry… but controlled. “You’re beautiful,” he whispered. Parang lalong nanghina ang tuhod niya sa paraan ng pagkakasabi nito. Hindi iyon simpleng papuri. Para bang sinasamba siya ng mga mata nito. Lumapit si Damone. Dahan-dahan. Binuhat ang kamay niya at hinalikan ang mga daliri. Paakyat sa braso. Sa balikat. Hanggang sa leeg. Napapikit si Eloisa. Every touch felt new. Kakaiba. Nakakagulat ang sarap. Ma

