Damone _________ Tahimik ang biyahe mula sa opisina ni Gideon hanggang sa villa ko sa Tuscany. Sa labas ng bintana, tanaw ang malalawak na ubasan at ang ginintuang sikat ng araw na unti-unting lumulubog sa mga burol ng Tuscany. Pero mas malinaw pa roon ang babaeng katabi ko. Eloisa. Hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang sa labas ng kotse, pero alam kong malayo ang iniisip niya. Mula nang harapin namin ang mga board members sa opisina ni Gideon sa Sicily, ibang tapang na ang nasa mga mata niya. At doon ako lalong nahulog. Pagdating namin sa villa, sinalubong kami ng malamig na hangin at ang amoy ng lumang kahoy at lavender. Tahimik ang buong bahay—pribado, malayo sa mata ng publiko. “Are you okay?” tanong ko habang inaalalayan siyang bumaba ng kotse. “I’m fine,” sagot niya, pero

