Kabanata 8

1628 Words
KABANATA 8 "Kilala mo ba ang batang iyan, Reign?" Tanong noong babae na ngayon ay sinusuklay ang sabog na buhok. Hindi inalis noong lalaki ang kanyang mga mata sa aking mga bughaw. Nagtatagis ang kanyang mga ngipin sa inis. "Just some boy na humamon sa Dragons and got shamefully defeated," kumunot din ang noo ko sa alaalang inilibing nila ako ng buong-buo sa buhangin. Hinagod ko ng tingin ang suot ng lalaki. Puna ko agad na sa may right side ng kwelyo ng suot niyang polo ay may embroidered logo ng Asteria X Mangoes at sa left side naman nakalagay ang pin ng family crest ng pamilya. I smirked at the realization na isa pala siya sa mga manggagawa rito. Ano kaya ang magiging reaksyon nito sa oras na malaman niya na ang 'batang' inilibing niya noon at hawak-hawak ngayon ay isa sa nagmamay-ari ng pinapasukan niya? Would he get to his knees and bow down before me as he continue saying strings of apologies to me? Hmmm... Somehow a part of me would love to see those emeralds begging under the gaze of my blue ones. "Anong nginingiti-ngiti mo riyan, ha?!" He asked as he banged me against the hard trunk. Napangiwi ako sa sakit ngunit ininda ko lang iyon. Nakipagtagisan na lang ako ng titig sa kanya. He has eyes of a fighter, no doubt. At malakas din ang power ng kanyang kamao. But that time, I was blindsided. Kung nagkataon that we're on equal footing, I'm almost sure I'd give him a hard time. Inilapit niya pang lalo ang mukha niya at idiniin ako sa puno. But I didn't back down at matalim din siyang tinitigan. "Paalisin mo na lang iyan, Reign! Bitin na bitin ako kanina," sabi noong babae sa isang malambing na tinig na bahagyang nagpa-atras sa lalaki. "Alright, babe," sagot naman nitong may hawak sa akin bago ako marahas na pinakawalan, "Sa oras na makita ko uli iyang pagmumukha mo, sisiguraduhin ko ng hindi ka na makakabangon pang muli. Alis na!" Pagtataboy nito sa akin bago nilapitan ang babae at nagsimulang maghalikang muli. Ngunit hindi ako umalis doon at tinaasan ko lang sila ng kilay. Ang kapal ng apog nito! Kung may dapat mang umalis dito, sila iyon! Naghalukipkip lang ako habang pinagmamasdan sila sa kanilang ginagawa. Napansin naman iyon ng babaeng mapupungay na ang mga mata at agad na tinapik ang likod noong lalaki. "What?" Iritadong sambit nito. Itinuro ako noong babae at pagod naman niya itong sinundan. Suminghap siya nang malakas bago ako hinarap. Bukas na naman ang harapan ng polo niya at kita ko mula dito ang matipuno nitong dibdib. Iniwasan kong tingnan iyon at ibinaling sa mukha niya ang aking atensyon. "Ano pa bang tinatayo-tayo mo riyan?! I told you to get lost so get lost already!" Sigaw nito sa akin. Muli ko siyang tinaasan ng kilay. "At bakit ko naman susundin ang utos mo?" I asked, taunting him. Ang kapal niya para utus-utusan ako sa lupain namin. "Ako ang nauna sa pwestong ito. Kung may dapat mang umalis, kayo iyon!" Asik ko pa sabay akmang lapit sa puno upang makaakyat uli pero agad niyang hinawakan nang mahigpit ang aking braso. Napatingin ako sa dakong iyon bago ko tiningala ang galit niyang mukha. "Hindi ka ba marunong umintindi ng sitwasyon? Ano ngayon kung ikaw ang nauna? Nandito na ako kaya wala kang magagawa kundi ang sundin ang kagustuhan ko. Or do you want me to make you remember kung sino ako?" Ang lakas talaga ng angas ng isang ito. "Don't tell me pag-aari niyo rin ang farm na ito? Kailangan ko rin bang magbayad para lang maenjoy ang tanawin dito?" Kumunot ang noo noong lalaki sa narinig. "Anong pinagsasabi mo riyan?" Nakatitig lamang siya sa akin habang iyong babae nama'y kanina pa bagot na bagot sa likuran niya. "Reign, come on! Get rid of the boy already!" Kinalas ko ang aking mga braso sa kanyang pagkakahawak at nagsimula ng umakyat sa puno. "Ipagpatuloy niyo na lang iyang ginagawa niyo. Promise hindi ako titingin. Makikinig na lang ako ng music at matutu..." hindi ko natapos ang sasabihin dahil muli na naman niya akong hinigit paharap at ikinulong sa katawan ng puno ng mangga. "Ano iyong sinabi mo kanina? Kailan ka namin hiningan ng bayad, ha? Marangal ang bawat miyembro ng Dragons. Hindi kami iyong tipong naghahanap ng biktimang kukunan ng pera." Nagtatagis ang mga ngipin nito habang matalim akong tinititigan. "Teritoryo namin ang dalampasigan. Kung pumasok ka roon at dala mo'y gulo, gulo rin ang makukuha mo sa amin. Pero kung wala ka lang ginagawa, walang mangyayari sa iyong masama. May ginawa ka sigurong kalokohan kaya ka sinaway ng mga miyembro namin," usal pa nito habang inilalapit ang mukha sa akin. Halos idiin ko na ang sarili ko sa katawan ng puno malayo lamang sa kanyang mukha. At kalokohan na pala ngayon ang paglalakad-lakad sa tabing dagat? "May ebidensiya ka bang may kalokohan akong nagawa roon? Wala naman, di ba?" Napaatras siya sa aking argumento. Nakakunot noo akong tinitigan. "Reign, come on!" Hinihila na siya ngayon noong babae pero hinablot lang niya ang kanyang braso mula rito. "You wait!" Utos nito sa matigas na ingles. Aba't hari-harian talaga! "I trust the word of my men. Sapat na ebidensiya na iyong nakita kong nakahandusay sa buhangin ang aking mga tauhan ng dahil sa iyo," napailing ako sa sinabi niya. "Kaya tayo naloloko kasi isang panig lang ang pinakikinggan natin. Hindi mo pa ba naririnig ang term na due process of the law? You can not accuse someone of some crime without proper investigations and trials? You must assume he's innocent until proven guilty!" Mas lalong lumalim ang kunot ng noo niya sa mga sinabi ko. I didn't take up law for nothing, Mister! "And your point is?" Nakapilig sa isang banda ang ulo nito at napahalukipkip habang mataman akong tinititigan. "My point is you've already concluded na may ginawa akong mali without doubting na baka iyong mga tauhan mo ang mga nagsisinungaling!" Tumaas na ang tono ng aking pananalita. Kinalas nito ang pagkakahalukipkip at napadungaw sa ibang banda na tila may iniisip. "Hindi ko na kailangan pang pagdudahan ang kanilang mga sinabi. Our relationship is largely based on trust. Of course pagkakatiwalaan ko sila kasi ako ang leader nila!" Asik nito matapos ang ilang sandali. "Matagal pa ba iyan? Aalis na lang ako," singit noong babaeng nasa likod pa pala nitong kausap ko, whatever his name was. I will not call him by his name until I get the apology that I deserved! "Eh di umalis ka! Problema ba iyon?!" Sigaw nito sa babae kahit nakatalikod. "A$$hole!" Asik noong babae bago padabog na bumaba ng burol. Nakatanaw pa ako sa papalayong bulto noong babae nang mapapitlag ako sa lapit ng mukha nitong lalaki. Kumikinang sa sinag ng araw ang isang stud ring sa kaliwang tainga niya. "May sasabihin ka pa ba, bata? You already ruined my dessert, gusto mo pang sirain ang tiwala ko sa aking mga miyembro. Baka gusto mong sirain ko buhay mo?" Pansin ko agad ang pag-iiba ng templa ng kanyang mga titig. Ito iyong titig niya na tila walang takot pumatay. Nanginig ang sistema ko sa nakikilalang panganib. I stared at him at nakaramdam ako ng kakaibang tuwa. Gusto kong ganito rin ang maramdaman ng mga tao habang kaharap ako. This power, this authority, this strength! Gusto ko rin nito! Gusto kong maging katulad niya! Bahagya siyang umatras habang nakakunot ang noong nakatingin sa aking mukha. "Why the hell are you blushing? Huwag mo sabihing nababakla ka sa akin?!" Nabilaukan ako ng sariling laway sa narinig. He seriously thinks I'm a boy?! "I was actually holding my breath kasi amoy ko ang masangsang mong hininga. Can't blame me for it," pagtatakip ko na lang. I don't want him to think I'm a sissy just because I'm a girl. Iyong g@go, inamoy din naman ang sariling hininga just to prove my point! "Hindi naman masangsang, ah!" I rolled my eyes at his simple-mindedness. Tumikhim ako bago ibinalik sa topic ang usapan. "What you just did proved my point, Mister. Kailangan mo munang imbestigahan bago mo sabihin kung nagsasabi nga sila ng totoo o hindi. Hindi lahat pwede mong ibase sa tiwala. Minsan naloloko rin tayo nito lalo na't tayo lang ang naniniwala rito habang iyong iba naman were only taking advantage of us because of this 'established' belief," hindi siya kumibo at nanatili lang ang kanyang mga berdeng matang nakatutok sa akin. Gone were those blazing eyes. Just curious ones. "Anong ginagawa mo sa dalampasigan noong araw na iyon?" Biglang tanong nito. "Finally! A day late but better than never, right?" Nakangisi kong usal pero saglit lang iyon when I saw his serious gaze upon me. "So?" Hari-harian talaga! Tumikhim muna ako bago ikwenento ang mga kaganapan mula noong lumapit ako sa dalampasigan hanggang sa noong hinarang ako ng mga miyembro niya. Hinayaan niya lang akong magsalita at nakinig lamang siya. Habang ginagawa ko iyon, his eyes never left mine. Ramdam ko ang authority niya sa mga titig pa lang. Nang matapos na ako'y tumango lamang siya. Tumingala siya saglit sa langit at ilang sandali ay... "F*CKING SH*T! THOSE A$$HOLES ARE GONNA HAVE IT!" Namilog ang mga mata sa biglaan nitong sigaw. Nang muli niya akong binalingan, I noticed the return of the murderous glint in his eyes. Saglit niya akong tinitigan bago ito pumihit sa kabilang direksyon at nagmamadaling umalis. Kunot-noo ko naman siyang pinagmasdan sa aking kinatatayuan. Iyon lang iyon?! Wala man lang apology?! Anak ng... But then I remembered those emotions he was invoking in me kahit wala pa siyang ginagawa. I want that. I need that. Maybe he could teach me how to be like him? Dragon King. Hari ng Asteria. Hmmm... Interesting...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD