Kev Pov
Nasa bar ako ngayon at inuubos ang isang bote ng wine ng biglang may nagsisigawan sa kabilang table Hindi ko na sana papansinin kaso may isang pamilyar na boses akong narinig kung saan ang nagkakagulo.
"H-heyy dude don't ever touch me" saway ng isang pamilyar na boses ng babae sa akmang paghawak ng isang lalaki sa kanya.
Mukang binabastos ito
Hindi ko maaninag ang muka ng babae dahil sa nakatalikod Ito sa kinaruroonan ko.
"I do whatever I want" matigas na sagot ng kausap tsaka akmang hahawakan sya nito pero inunahan nya ito ng sapak sa muka.
"I warn you" wika ng babae pagkasuntok sa lalaki sasampalin sana ito ng lalaki pero tumayo na ako at pumunta sa kinaroroonan nila at tiim bagang na hinawakan ang kamay nyang padampi sa muka ng babaing nasa likod ko.
"Don't you dare to touch your dirty hand to this girl" malamig na wika ko na kinagulat nya.
Susuntukin sana ako ng kasama nito kaso na unahan ko sya sumugod narin ang luko pero tinadyakan ko ito sa tyan na kina pimilipit nya sa sakit at nagpagulong gulong sa sahig.
Lahat sila nasa sahig.
"K-kev" sambit ng babae sa pangalan ko kaya malamig ko siyang tiningnan tsaka sya tinalikuran.
Sinigaw nito ang pangalan ko pero hindi na ako nag abalang lingunin dahil baka sapaglingon ko bigla nalang sumuko ang puso ko.
Mapaglaro talaga ang tadhana at nagkita pa kami sa lugar nato at don ko lang napatunayan na
I still love her.
Pumunta ako sa parking lot at sumakay agad sa kotse at pinaharurot ito ng takbo.
Drive lang ako ng drive kahit saan ako makarating basta malayo sa lugar nato kung saan naroon siya.
Malayo sa mapanakit na tao
I just want to be alone at this time.