Kinaumagahan, pagkaalis ni Giovan papunta sa opisina niya at napansin kong hindi mapakali si Ashley sa kinatatayuan niya. Nakakagat ito sa kuko ng hinalalaki niya at halatang malalim ang iniisip. Pabalik-balik ito ng lakad at halatang balisa. Hindi nga nagtagal ay mabilis nitong kinuha ang shoulder bag niya at isinukbit sa balikat. Lumabas ito at dumiretso sa isang kotse na nakaparada sa labas. Nagtaka pa ako dahil halatang nagmamadali ito. Agad kong inihabilin kay Manang Emma si Ivion at mabilis kong sinundan si Ashley ng may halong pag-iingat. Alam kong pag nahuli niya ako ay malalaman niya na bumalik na rin ang ala-ala ko kaya kailangan kong mag-ingat. Sumakay siya sa kotseng itim at saka mabilis na pinatakbo ang sasakyan. Saktong labas ko ng malawak na pinto ay ang pagharang sa aki

