Kabanata 14 Necklace A P P L E "Turn around." Utos niya na agad ko namang ginawa. Walang pag aalinlangan akong tumalikod upang sundin ang gusto niyang mangyari. Kumunot ang nuo ko nang ipusod niya ang buhok ko gamit ang kanyang kaliwang kamay at agad na napa singhap nang maramdaman kong may lumapat na malamig na bagay sa aking leeg. May kung ano siyang ikinabit sa aking batok bago tinanggal ang pagkaka pusod sa aking buhok. Agad ko namang dinungaw ang bagay na nasa aking leeg. Isa iyong kwintas at sobrang ganda nun. Tulad nung prunselas na ibinigay niya sa akin kumikintab din iyon kapag nasisinagan ng araw. Napaka ganda! Dinama ko ang pendant na hugis mansanas pa din iyon nga lang mukhang gawa iyon sa mamahaling bato. Agad akong napa baling sa kanya ng may mapag tanto. "Nicholas! B

