Kabanata 41 Kill me N I C H O L A S "I dont understand? Bakit kailangan nating sundan sila Kuya pabalik sa maynila? Ano naman ngayon kung nauna silang umuwi! We can still stay here! Tayong dalawa na lang. Hindi ba mas maganda 'yun para masolo natin ang isat-isa?" said Rosie while holding my arm. Agad na pinalihis ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Bakas ang gulat sa mga mata niya sa ginawa kong pataboy sa kamay niyang kanina ay nakahawak sa braso ko. May nangyari sa amin ni Apple kagabi. Inamin na niya sa akin sa wakas na siya si Apple at may nangyari sa aming dalawa kaya hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang siyang umalis habang natutulog ako. Nalaman ko kay Rosie na bumalik na silang dalawa ng gagong Vargas na yun sa maynila. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin. A

