Kabanata 43 Gwapo A P P L E Dahil sa tulong ng anak ni Aleng Irma ay nakapasok nga ako sa Factoryng pinag tatrabahuhan nito. Maayos ang pasahod nila duon at mababait din ang mga tao kaya hindi ako nahirapang mag adjust. Nakaruon pa ako ng iilang mga kaibigan sa loob lamang ng maikling panahon. Isang buwan na din simula nang pumunta ako dito para makapagsimulang muli. Nagawa ko namang pagkasiyahin ang perang naipon ko hanggang sa makasahod na ako sa Factoryng pinapasukan ko. Naihanap na din ako ng housemate ni Aleng Irma nuong nakaraang linggo kaya di ko na poproblemahin ang pagbabayad ng upo nang mag-isa. Mabait naman ang housemate ko. Siya pa nga ang bumili ng kalan para may magamit kaming dalawa. Sabi ko ay mag aambag na lang ako sa gas para naman hindi nakakahiya sa kanya. Hinayaan l

