Kabanata 37

2182 Words

Kabanata 37 Life A P P L E Nang makabalik ako sa lamesa namin ay hindi agad sumunod si Nicholas. Hindi ko alam kung bakit at hinayaan ko na lang din. Mas mabuti nga iyon dahil kung sumunod siya agad ay baka magtaka ang mga kasama namin sa table kung bakit kami magkasamang dalawa. Pag nagkataon ay hindi ko alam ang ipapaliwanag ko sa mga ito. Lalo na kay Darwin na agad akong tinanong kung bakit nag tagal ako. Dinahilan ko na lang na maraming tao sa CR kaya medyo natagalan ako. Hindi naman na niya pinagdudahan ang dahilan ko. Nag-umpisang tumugtog ang isang pang masayang kanta. Inaya ako ni Darwin sa dance floor para sumayaw. Ilang beses ko siyang tinanggihan pero nang hilahin niya ako papunta sa gitna ay wala na akong nagawa pa. Nag simula siyang sumayaw sa harapan ko habang tumatawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD