Kabanata 35 Party A P P L E Naaasiwang lumabas ako ng kwarto. Suot ko ang dress na ibinigay sa akin kahapon ni Darwin. Kahit na sinabi ko na sa kanyang ayokong dumalo sa party na 'yun ay napilit niya pa din ako. Napaka epiktibo talaga ng convincing skill ng lalaking 'yun. Kahit anong pagpupumilit kong wag pumunta nahikayat pa din niya akong pumunta at talagang siya pa ang namili ng susuotin ko ngayong gabi. Isang off-shoulder dress na kulay rosas ang napili niyang ipasuot sa akin para sa gabing ito. Naaasiwa ako hindi dahil hindi ko gusto ang damit kundi dahil hindi ako sanay magsuot ng mga ganitong klaseng damit. Elegante masiyado ang dating ng damit na ito kaya pakiramdam ko hindi bagay sa akin. Binati ako ni Ate Lara paglabas na paglabas ko pa lang ng kwarto. Aniya bagay na bagay d

