"Why are you here? Hindi ka nagiimpake?" Umiling lang ako kay Nurse Pam at nagpatuloy na sa pagbabasa nitong librong nakita ko dito sa sala. May mga libro kasing nakasalansan ng maayos sa ilalim ng center table kaya namili ako ng babasahin. Isang crime book ang napili ko na tungkol sa isang babaeng kilala bilang d**g queen ngunit ang ama niya ay isang chief of police. "At bakit? Kailangan na nating lumipat sa bahay ni Mavy ngayong araw. Itigil mo na iyan" nabigla ako ng hatakin niya ang libro sa kamay ko at ibinalik iyon sa lalagyanan. "Mag impake ka na roon. Marami kang mga gamit, ah?" "Wala nga eh. Hindi naman sa akin iyong mga nandoon sa kwarto." "Baliw ka ba? Sa iyo na iyon. Ibinili iyon para sa iyo talaga dahil hindi na kami makapunta sa bahay mo at ni Callie para kumuha ng damit

