Pilantro's group are too strong that they managed to take down half of our men! "Mavy!" Sigaw ko nang mapansin na may isang lambino ang sasaksakin sana siya habang abala siya sa pakikipaglaban sa isa. Itinaas ko ang kamay ko at pinatamaan ng yelo ang lambino dahil mukhang hindi ako narinig ni Mavy. "Aish!" Tumakbo ako palapit sa kaniya nang sugurin siya ng sabay sabay. Ngayon ay napapalibutan na siya ng mga kalaban. "What are you doing?" Inis na sigaw niya ng mapansin ang paglapit ko. "Helping you, isn't it obvious?" "Help the king! Not me!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Luminga ako sa paligid upang hanapin si ama ngunit hindi ko siya makita. Magulo ang lahat at nagkalat ang mga bangkay sa sahig. Ang makintab at malinis na sahig ay punong puno na rin ng dugo, kahit ang mga di

