Chapter Thirty Three

2186 Words

    "Batid kong mahirap ang iyong pinagdaanan doon sa mundo ng mga tao kaya humihingi ako ng paumanhin dahil nangyari sa iyo iyon" hindi ko maalis ang tingin ko sa ama ko habang nag sasalita siya.          Kahit ngayon ko lang siya nakasama simula noong na dukot kami ng kampo ni Pilantro, ramdam ko ang awtoridad sa boses niya at sa awra niya. Kahit walang mag sabi ay pakiramdam ko kailangan kong itigil lahat ng ginagawa ko tuwing nagsasalita siya.          Nandito kami sa hapag kainan ng palasyo. Maraming pagkain ang nasa mesa at tingin ko ay hindi naman mauubos ang lahat ng ito ngayong gabi. Nasa kabisera naka upo si Ama habang nasa bandang kaliwa niya si Ina at may mga katabi si Ina na mga konseho raw. Ipinakilala sila kanina ngunit hindi ko maalala ang mga pangalan nila.         

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD