Mavy's Point of View: "Punong kawal!" Nag angat ako ng tingin sa isang kawal na kaaakyat lang sa hagdan. Naghahabol ito ng hininga at napahinto ng makita ang kalagayan namin. Kasunod niyang dumating ang reyna at ang dama nito na si tiya Pamela. Lahat sila ay napahinto sa dinatnan nilang sitwasyon namin. Tila tumigil ang mundo. "Anak!" Mabilis na tumakbo ang reyna papunta sa akin. Inagaw niya si Eade mula sa mga kamay ko saka ito yinakap ng mahigpit. Hindi ko mapigilang hindi maiyak muli nang marinig ang mga hagulgol ng reyna. "Anong nangyari?" Tiningala ko si tiya. "Sinaksak ng prinsesa ang sarili upang masaktan din si Pilantro. Silang dalawa ang napili ng Vena Dusa" kahit hirap ay pinilit kon ikuwento sa kanila ang nangyari Hindi ko nga lang masabi kung anong nangyari sa hari d
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


