"What do you mean?" Nakakunot ang noong tanong ni Mavy. Abot tenga ang ngiti ko mula pa kanina. Pauwi na kami ngayon at hindi ko mabitawan ang kwintas na suot ko. "I told you three times already. Ipinakita ng Vena Dusa ang mga memories ko at nakita ko roon na bago pa makuha ni Pilantro ang kapangyarihan namin, kinuha ko ang kay Callie at itinago iyon dito sa Vena Dusa kasama ng kapangyarihan ko!" "How come na hindi nakuha ni Pilantro eh makikita niya ang Vena Dusa na suot mo?" "Ang nakita ko sa memories ko, sinabi raw ng mahal na reyna, uh, i mean ng aking ina na walang diwata o lambino'ng nakaaalam tungkol sa kakayahang iyon ng Vena Dusa kaya't sinabi niya sa akin na sikreto lamang daw iyon" tumango-tango siya habang nagpapaliwanag ako. Malapit na kami

