"Beggining of the dark times, "Pilantro: Unlucky Prince, "The Good and The Bad: Javier over Pilantro" tumingala ako at tinignan ang iba pang libro na nandito sa library. Malalim na ang gabi at tanging flashlight lang ng cellphone ko ang ilaw. Napagalitan ako ng bahagya kay Nurse Pam kaninang kumakain kami dahil sa ginawa ko. Aniya, sinasayang ko raw ang oras niya sa mga walang katuturan na bagay at ang mga kinikilos ko ay hindi bagay sa isang prinsesang gaya ko. Tila isang b***l ang tumama sa akin noong sabihin niya iyon. Napag-isip-isip ko na baka nga kailangan ko ng seryosohin ang lahat ng bagay lalo na kung may kinalaman sa pagiging prinsesa ko. Masyado nga siguro akong nasanay sa buhay ng normal na tao kaya't nahihirapan akong mag adjust sa mga resp

