Chapter 14 BEST SELLER

1705 Words
FILIPPA Hindi ko alam kung matatawa ako o mamangha kay Jessica. Isang araw ay may dala na lang siyang dahon-dahon at mga bulaklak para itapal sa sugat ko. "Mamili ka, dahon ng bayabas, dahon ng kalachuchi o bulaklak ng gumamela?" "Are those—" atubiling sambit ko. Hindi ko nga matapos iyong sasabihin ko dahil sa ayaw ko siyang ma-offend. "Safe?" she added at saka tumawa. "Hoy grabe ka, sa mga halaman naman mostly galing ang mga gamot ng mga sina-unang people!" Napailing ako. Alam ko naman iyon pero hindi ko naman maiwasang hindi mangamba dahil wala akong alam sa mga halaman! Iyong dahon nga lang ng mangga ang kilala ko dahil laging nagkakalat ng kanyang mga dahon sa maliit kong garden. "Nako, mamili ka na para mas mapabilis ng paggaling ng sugat mo," she said. "Saan muna galing ang mga iyan?" I asked. Malay ko ba kung saan siya kumuha? "Ah doon sa botanical garden doon sa school ko," "Ok, guava," I chose na tinawanan na naman niya. "The bayabas?" she laughed harder. Siraulo rin talaga eh. Jessica is one jolly person, kahit naman papaano ay may kausap na ako ngayon kasi may pagkamaingay talaga siya. I thought I would have loved to see her leave right away. Pero ngayon at nakita ko naman na maayos siyang kasama at hindi burara ay napapaisip ako, gusto ko pa ba siyang umalis? Ngayon at mag-isa na lang ako sa buhay, someone like her in my life isn't much of a burden. "Yes, the bayabas and the bulaklak na rin," sakay ko sa kanya. For an instant ay napatigil siya. "Uy alam mo—" she pursed her lips pero dahil alam ko na ang sasabihin niya ay inabala ko na lang buklatin iyong libro na hawak ko. "Snob lang?" imbes ay sabi niya. I tried not to laugh. Hindi naman ako aloof sa lahat ng tao, it's true that I like my peace but it is not illegal to communicate. Sa buhay kailangan naman talagang makipag-usap. Pero, iyong makapalagayan ng loob talaga iyong tao eh hindi ganoon kadali sa akin. "Salamat," I muttered, still not looking at her. "Ice queen!" she said. Grabe may bansag na siya sa akin? Hindi naman nagtagal ay napakuluan niya na iyong mga dahon dahon at bulaklak. Sinabi niya na pakukuluan na lang niya lahat para kapag ubos na iyong iba ay may magagamit pa ako. "Oh, hugasan mo na iyang sugat mo, ako na ang magluluto ng dinner, kumakain ka ba ng pinaupong manok?" Tumango ako but then I looked at her. "Ito naman, sinabi ko bang ngayong dinner ko lulutuin?" "Jessica—" I said in a clipped tone. She laughed at me. "Ang serious mo talaga ano? I sighed. Gusto ko lang naman ng maayos na usapan. "Unless may magic wand ka na kaya mong i-prepare nang madalian iyon, I do not have a problem with it, besides that magastos sa gas!" I said kasi sa isa at kalahating oras para lutuin iyon. She pouted. "Nevermind, we can eat whatever. Jessica please be thrifty," sambit ko pa. Ayaw ko sanang pakialaman iyong mga gusto niyang gawin or lutuin pero domino effect kasi, I will be spending kahit ayaw ko pa. I'd rather eat something else, pwede na ako sa salad at kamatis para lang hindi ako magluto!" Nakatingin lang siya sa akin. "Alam mo, mas maigi kung dito na ako tumira forever para may kahati ka sa expenses, think of this way, ayaw kong walang kasama sa bahay dahil alam mo na, medyo nagka-trauma na ako doon sa nangyari noong nakaraan." "I swear, sasakyan ko iyang pagka-OC mo," dagdag pa niya. Hindi ko kailanman naisip iyong chances na mag-iisip ako sa gaya nang sina-suggest ni Jessica. "Pag-isipan mo ok? Malaking tulong sa pagtitipid mo kung may kasama ka sa bahay!" Tumango na lang ako. I do not want to talk further, may time naman ako para pag-isipan iyon. "Doon lang ko sa kwarto," I said nang naiingayan ako sa tawa niya. Hindi ko alam kung ano iyong pinapanood niya. kasi naka-earphones naman siya. And in consideration with what she is doing ay doon na lang ako sa kwarto para hindi niya itigil iyong ginagawa niya. "Katukin na lang kita doon kapag nakaluto na ako," she said. Again isang tango lng iyong ginawa ko. JACE "Jace!" Shanta said nang makita niyang wala man lang nagalaw doon sa mga pinamili namin, maliban doon sa palayok na ginamit ko para mag-reheat ng pagkain namin ni lola noong binisita niya ko, And some plates and glasses. "What?" I asked. Gusto kong matawa sa kunot na kunot na noo niya. "Like what do you want to do ba?" she asked. "What do you mean?" I asked her, suddenly ay hindi ko masundan iyong tanong niya. "Nagbabahay-bahayan ka ba or trip mo lang may masabing may bahay ka? Oh my God Jace wala man lang naayos sa mga pinamili natin noong nakaraan!" "That's why you're here! I got busy with work," "Work? Since when did you start working?" she rolled her eyes at saka nag-umpisang ilabas sa mga plastic bags at paper bags iyong mga gamit. "I'm working!" saad ko lang at saka itinuro iyong laptop ko na nasa dining table. "Whatever," she said at hindi na ako tinantanan sa pagmando. She asked me to put things here and there and told me that I can find things here and there. "Nako, huwag na huwag mo akong tatawagan kung may hindi ka mahanap! Bawat sagot five thousand," she said in a serious voice. Hindi ko naman siya pwedeng kontrahin dahil maduga rin itong si Shanta talaga, palibhasa ay nag-iisang babae sa aming magpipinsan. "Ok," I grinned at her. With the amount of work that she has done in my condo ay hindi ko na lang siya kokontrahin. "Alis na ako," she said pagkatapos niyang tignan ang relo niya. "I'll treat you for dinner," I said nang mapagtantong halos seven o'clock na ng gabi. "Ah no, much as I love to, may bisita kami sa bahay," she said na nagpakunot ng noo ko. "It's Emery," she giggled. "Hindi naman bisita iyon," I commented. "Ah we have catching up to do kaya hindi kita iimbitahin, you can see her some other time," she said. "I already saw her, sinundo kaya namin sa airport," "Oh–" she muttered. "Noah wouldn't go alone," I added. Napailing si Shanta. Parang may gustong sabihin pero hindi na itinuloy. "Just let me know when you are free so we could eat out," sambit ko nang nasa pintuan na kami. "Will do Jacey," she said at saka ako hinalikan sa pisngi. "Tell your driver to drive safely," bilin ko pa sa kanya. "Whatever!" she said at nawala na sa paningin ko. Nang maisara ko ang pintuan ay lumukob sa akin ang katahimikan. Something I was wanting and hating to have. Dumeretso na lang ako sa laptop ko. I am currently working on a business proposal na kailangan kong ipakita sa mga matriarch. Maybe I could convince them to reserve the construction business to me. Bandang alas-onse nang makaramdam ako ng gutom. And so I went out. I don't cook so eating out is the solution. I went to a restau-bar nearby. Lagi kong nadadaanan pero ni minsan ay hindi ko pinuntahan. The european vibe is evident. Maayos ang interior at halatang may class ang dating. Agad na may sumalubong na waitress nang makapasok ako. "Good evening sir," ngiti niya. I looked at her, if I am not mistaken ay ito iyong kasama ng Hidalgo na iyon—iyong babaeng kinaiinisan ng lahat na i-bully. "I'll eat in the bar area," I said. "Wala po ba kayong kasama? May single tables po kami, mas kumportable kayo roon," she suggested. "Look—" "It's only a suggestion sir, don't be like my friend who is very serious!" Sa sinabi niya na sa totoo lang ay hindi ko naman kailangang marinig ay na- curious ako kaya imbes na magalit sa sobrang feeling-close niyang attitude ay inusisa ko na rin siya. "And who is this friend?" "Ah joke ko lang iyon sir, pero absent siya ngayon kasi napilayan pero walang connect sa buhay niyo iyon, kung gusto niyo po talaga sa bar area ay pwede naman po," "Doon na lang ako sa sinasabi mong mesa ng mga single," I told her. "Hindi ko po sinabing mesa ng mga single, kayo po sir ha, hindi naman halatang single kayo," For a while ay hindi ko alam kung papaano mag-react sa babaeng kaharap ko. Nasobrahan naman siya ng confidence. She literally got the guts to joke—I mean if it was a joke on her part. Na mukhang hindi naman kasi ang siryoso niya. "Ok ok, single tables, not table for singles," I said. Hinabaan ko na lang ang pasensiya ko. I do not want to ruin my night. Lalo na at mukhang masarap naman ang mga pagkain nila dito. "Doon tayo sir," I heard her say. Kinuha ko iyong inaabot niya na menu. "Balik ako agad sir," she said and left right away kaya inabala ko na lang ang sarili kong tignan iyong menu. "Ready to order sir?" the same waitress asked. "Just get me the best seller," "One order only sir? " kunot ang noong tanong niya. "Why do I need to double the order?" I asked her. "Masarap kasi sir, best seller nga eh baka mabitin po kayo," she sounded innocent and she looked like she wasn't aware she is already marketing the product smoothly. "Jessica?" basa ko sa nameplate niya na nakasabit sa uniform niya kaya napatingin siya sa akin mula sa hawak niyang handheld ordering tablet. "Hala bakit po?" medyo nataranta niyang sabi. "Ok get me two," "Anything else sir?" nakangiting sambit niya. "Just a bottle of red wine and water," "Ipapabalot ko na iyong isa sir kasi hindi mo siya mauubos!" bigla ay sabi niya. "Do you get a portion on the sales you make?" tanong ko na. Tumawa siya sa sinabi ko. "Yes sir! So kung gusto mong mag-dessert I suggest the red velvet," Napatawa ako sa kaharap ko but then I nodded. Maybe she needs the money from the portion of the sales, might as well help her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD