Chapter 10 JACE'S CONDO

1763 Words
JACE Nagkape muna kami sa Starbucks ni Ian nang makarating kami sa mall. Shanta said she'll be late kasi ma-traffic daw. Well what is new? May tumawag kay Ian kaya lumabas siya para siguro magkaroon sila ng privacy ng kausap niya so I decided to buy another coffee pagkatapos ay mamataan ko ang isang babae na umiiyak habang may kausap. I thought of the baseball cap the person she was talking to was wearing. Parang nakita ko na iyon. Saan nga ba? Nagkibit ako ng balikat at binale-wala na lang iyon. I proceeded to the counter. "Espresso macchiato for Ma'am Filippa," sabi ng barista at nakita kong nilampasan ako nung naka-baseball cap. Filippa? What an old name I thought. A whift of Filippa's perfume invaded my nostrills at napakunot noo ako habang napapikit. It was so enticing na kinailangan kong tignan iyong mukha ng nagmamay-ari n'on. "Thank you," she said at saka tinalikuran na iyong barista giving me the opportunity to look at her face. Pero nauna kong mapansin ang paglalakad niya. She is limping. Doon ko nakita iyong suot niyang damit. I remembered the woman the cheeleaders bullied this morning. Siya iyon. That explained why she's limping. Napuruhan ang tuhod nito. Hindi ko man makita kung gaano kalaki ang sugat niya ay nagkaroon naman ako ng idea na nasaktan nga siya talaga dahil na rin pipilay-pilay siya ngayon. I caught a glimpse at her face at gustong-gusto kong tanggalin iyong baseball cap niya para sana makita iyong buong mukha niya. I don't know, her smell intrigued me. Nang dahil sa sumbrero niya ay tago ang mukha niya. "Sir, may I take your order?" tanong ng barista sa akin kaya napunta sa kanya iyong atensyon ko. "Espresso," sambit ko bago nilingon iyong si Filippa na ngayon ay papaupo na. I don't know but maybe she felt that somebody was looking at her kaya siguro nagtama ang mga paningin namin. Still, hindi ko makita ng maayos ang buong mukha niya. She just looked at me like she didn't know me at all. Mabilis lang dumaan iyong tingin niya sa akin at saka bumalik iyong attention niya doon sa umiiyak na kasama niya. Hindi niya ba ako kilala? I am an Allegro! Pero imposible. Sino ba ang hindi nakakakilala sa aming mga Allegro sa school? Noong nakuha ko na iyong kape ko ay papasok na ulit sa loob si Ian. "Just drink that out, Shanta is already here," agad niyang sabi kaya lumabas na rin kami. True enough ay nagdala ng extra hand si Shanta. Sina Kurt at Kyle. Kung hindi ka lumaki kasama silang magkambal ay malilito ka kung alin sila sa dalawa. "Tara," Shanta said smiling at us but the twins just scoffed. Hindi ko alam kung ano ang ginamit na naman na magic ni Shanta at naisama niya iyong dalawa. Mabilis ang mga kamay ni Shanta sa pag-soshopping. she really is a shopping addict. Kahit sa grocery ay para siyang ipo-ipo. "Kurt here will cook," anunsyo pa niya nang nakabalik na kami sa condo. "I didn't agree to that," reklamo naman ni Kurt. "Hahayaan mo akong magutom?" Shanta raised an eyebrow. "I can buy you food, you brat!" he answered immediately. "Pero Kuya Kurt—" Shanta said in a low tone pero napakalambing, sinandya niyang gamitin iyong armas niya na paggamit ng "kuya" kay Kurt. She uses it kapag may gusto siya sa amin. And it works all the time. Ewan ko ba, siguro dahil mag-isa lang siyang babae sa aming magpipinsan kaya pinagbibigyan namin siya lagi. "You—" Kurt said and Shanta giggled. Lumapit ito sa kanya at hinalikan sa pisngi. Wala nang nagawa si Kurt kung ang hindi yakapin siya at pagkatapos pakawalan ay saka ito nagluto ng hapunan. I wasn't expecting all my cousins to show up. They brought extra food kasi itong si Kurt isang putahe lamang ang niluto. They didn't say anything negative about me buying a condo. They only asked if Noah's parents know of it already. Bagay na nakalimutan ko. I remembered that I should be calling them tonight. Pagkatapos namin kumain ay kami kami rin ang nagligpit ng pinagkainan. After that ay nagpaalam na rin sila. "Jacey, I am heading back with Kuya Air, should you need my help in re-arranging–" sambit niya saka pinalibot ang mga mata niya sa mga kagamitan ng condo. "I can help you on Saturday," she added. "Thanks princess, I'll call you don't worry," sambit ko at saka siya niyakap pabalik matapos niya akong yakapin. Kurt and Kyle left too. Nagpaiwan lang sina Ezra at Ian na gustong tapusin iyong pinapanood nila sa TV. Si Noah naman ay kausap ang mga magulang niya doon sa terrace. I decided to join him para makausap ko na rin sila at maibalita iyong tungkol sa condo. "I don't understand," sabi ni Auntie Lydia na umiling pa. Nakita ko si Uncle Larry na inakbayan siya. "Hindi po ako totally lililipat auntie, binili ko lang po ito para magkaroon ako ng lugar na pwedeng puntahan kapag gusto kong mapag-isa, malapit din po kasi ito sa school." "But Jace, marami namang space sa bahay, hindi na nga tayo nagkikita-kita doon," she said. Halata talaga na hindi siya masaya. "Lydia, Jace is not a teenager anymore, he needs his space just let her be," sambit ni uncle sa kanya matapos siyang halikan sa sentido. Auntie Lydia sighed. "Besides that, Jace will call us kapag nandoon siya at kailangan niya ng tulong, hindi ba Jace?" dagdag pa ni Uncle Larry. "Of coure uncle," I said habang tumatango. Mapakalma lang si Auntie Lydia. "I will ask Bullet for additional security," Aunty Lydia said, gusto kong umapela pero tumango na lang ako para hindi na kami magtalo sa bagay na iyon. "At kumuha ka ng katulong sa bahay tuwing kailangan mong magligpit diyan Jace Albertus," bilin pa niya. "Opo auntie," "Sige pakibalik ang telepono kay Noah at may sasabihin pa kami," Uncle Larry said kaya sa wakas ay tapos na ang usapan namin. "Ingat ka lagi Jace Albertus!" Pahabol pa ni Auntie Lydia kaya natawa ako habang nailing-iling na lamang. "Bye," ngiti ko sa kanila at ibinigay na ang telepono kay Noah. "Done?" Ian asked nang makita niya akong pumasok mula sa terrace. Tumango ako. Nag-stretch si Ezra pagkatapos tumayo. "Alis na rin kami, uso daw dumaan sa bahay sabi ni mommy," dagdag pa niya. "Kakadaan ko lang doon," I said at saka tumabi kay Ian na parang ayaw pang tumayo kaya tinapunan siya ng throw pillow ni Ezra. "Dito muna ako matutulog, baka malungkot si Jace," he said kaya ako naman iyong bumato sa kanya ng unan. "Ulol," I told him but he didn't budge. "I can manage Ian," I told him kasi alam kong concerned bestfriend lang naman siya. "Ipapadala ko si Disney dito," he said na ang tinutukoy ay iyong aso niya. "Bawal ang animals dito sa building," sambit ko. Heto na naman sila, iniisip na naman na mag-isa lang ako and that I shouldn't be left alone. "Tara na, antok na ako Ian!" Ezra told his brother. Wala nang nagawa si Ian kung ang hindi tumayo. "Phone!" senyas niya sa telepono niya. Pagpapaalala na tatawag ako sa kanila kung may kailangan ako. "You know my phone is shut when I sleep." Agad kong sabi. "Eh di kapag gising," he said and chuckled. "What could go wrong Ian?" Ezra said at saka hinila na sa T-shirt ang kapatid papalabas. "Para kang girlfriend!" He snapped at Ian kaya ako na iyong natawa. It was until I closed the door that I felt the silence. Well not totally silence because Noah who was still chatting with his parents can be heard from the terrace. Hindi ko siya pinansin at naligo na lamang. I looked around at marami pang aayusin sa condo pero wala akong panahon sa ngayon. Or more likely hindi ko lang trip mag-ayos. After kong maligo ay nag-cellphone lang ang ginawa ko. Waiting for Noah to knock. And he did kaya binuksan ko na iyong pintuan. "I am going to fetch Emery from the airport," sambit niya. "Emery McGlue?" I asked. Sinisigurado ko lang kasi hindi naman sila magkasundo ng kababata namin. I wonder why he is picking her. Bakit siya? Hinintay kong mag-explain siya kung bakit siya iyong susundo pero nakita kong wala siyang balak magsalita. "Do you want me to accompany you?" I politely asked. Noah shrugged. I know he wanted too. "Ok, just give me a sec. " I said. Nang nasa kotse niya na kami ay saka siya nagsalita. "She's back here to study." Napalingon ako kay Noah. I cannot read his expression. Alam naman naming lahat na malaki ang pagkaka-crush ni Emery sa kanya. Pero hindi namin malaman kung type niya rin ba si Emery. "Is she ok?" I asked. Kasi si Emery ay isang survivor ng cancer. "I don't know, maybe." Noah said. I sighed. Minsan si Noah ay napagkakamalan na bading base na rin sa pinapakita niya sa mata ng tao. But deep inside me alam kong straight siya. Hindi ko lang alam kung bakit umaakto siya ng ganito. Tumingin na lang ako sa labas, the traffic is heavy and the rain started to pour. Ang daming tao na nagtatakbuhan. Pero tumawag sa pansin ko iyong dalawang babaeng humihila ng maleta. Sina Filippa at iyong umiiyak na babae kanina. Ni hindi man lang sila tumakbo. They drenched themselves in the rain. It struck me to see them again. Ano ba ang trip ng dalawang ito at palagi silang nasa galaan. The wind was also nasty at nilipad nito ang sumbrero ni Filippa. I imagined her to run after the baseball cap pero huminto lang siya at tinignan kung saan tinangay iyon. Then she sighed. Iyong kasama niya ang nagtangkang hahabol sa sumbrero niya pero pinigilan niya ito. "Si Filippa Hidalgo," Noah said kaya napatingin ako sa kanya and true enough ay tinitignan niya rin sila. Bumisina si Noah, calling their attention. Tumingin iyong dalawang babae sa banda namin. I finally saw Filippa 's face, her hair is shoulder length. Tuwid na tuwid ito. Maamo ang mukha niya na para bang hindi kayang gumawa ng kabalbalan. Maganda ang hugis ng ilong niya na. bumagay sa mapula niyang mga labi. In short she isn't ugly. I wonder why she prefers to dress that way. She is still limping at base na rin sa ayos niya ay hindi pa ito nagpapalit buhat kanina. "Do you know her? " I asked Noah. "She's my classmate in History." "So kilala mo?" I asked. Noah looked at me. "Why?" he asked.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD