Chapter 18 Gumaan ang pakiramdam ni Evajoy ng hindi na makita si Amanda pag-uwi niya ng bahay. At wala rin si Clinton! Baka may pinuntahan lang, bulong ni Evajoy sa kanyang sarili. Bigla siyang nagulat ng makita si Rodrigo na nakatayo sa may pintuan! Hindi niya narinig ang kotse nito na nag parking! "Mahal! Andiyan kana pala. Bakit ang aga mo?" Masayang tanong ni Evajoy. Hindi agad nakasagot si Rodrigo dahil hinahanap ng kanyang mga mata kung nasaan ang anak na si Clinton. "Mahal?" Nagtatakang tanong ni Evajoy." "Ah, Maaga natapos ang meeting ko. Sasamahan kita magpa check up." Sa wakas ay sagot ni Rodrigo. Tila ba napa-paranoid na siya at hindi niya ito gusto! Sana lang hindi talaga totoo ang pinagsasabi ni Carol! Napangiti ng lihim si Evajoy. Buti nalang talaga at nauna

