Chapter 6 Napakahimbing ng tulog ni Evajoy sa couch at hindi na siya ginising ni Rodrigo. Nagluto ito ng breakfast at nagbilin ng note na kainin niya. Ganyan ka sweet si Rodrigo sa kanya. At kahit nasusuka ay pinipilit niyang suklian ang pagiging sweet nito sa kanya. Maganda ang gising ni Evajoy dahil sa ginawa niyang release kagabi. Bumangon siya dahil nakarinig ng ingay sa labas. Hindi muna siya kumain at pinuntahan kung ano ang maingay. Laking gulat ni Evajoy ng makita si Clinton sa ibabaw ng malaking puno na katabi lang ng kanilang bahay. Hindi siya makatingin ng deretso rito but she needs to ask him. "Ano ang ginagawa mo diyan?" Tanong ni Evajoy na sa ibang direksiyon nakabaling ang paningin. Paano naman kasi. Labas ang masarap na abs ni Clinton! Nakahubad ang pang itaas

