Chapter 11 "Shhh, Don't speak. Magsasawa din 'yan." Bulong ni Clinton sa kanya na kalmado lang. Hindi na nakaimik si Evajoy dahil nakatakip ang kamay ni Clinton sa kanyang ilong. At hindi niya alam kung bakit ang bango ng kamay nito! Para bang... Gusto niya itong kagatin! "Don't tell me iniwan na naman ako ni Clinton?! Makakatikim ka talaga ng kurot sa pwet babe!" Nagmamaktol na sigaw ni Carol at umalis na. Nakahinga naman ng malalim si Evajoy at lalabas na sana ng banyo pero hinila siya ni Clinton. "Where are you going?" Tanong ni Clinton na hindi binibitawan ang kanyang kamay. "Going out! Baka si Rodrigo na talaga ang magpunta rito." Sagot ni Evajoy at muling binuksan ang pintuan. Pero hinila siya ni Clinton at muling hinalikan. Ngayon ay sobrang mapusok ang halik ni Clinton

