Belinda's POV "Ngayon ko lang narealized na niloloko pala tayo ng anak nating si Amara. Ang pagpapakilala niya noon kay Ethan Guevarra ay Niko Evangelista. Bakit ngayon ko lang ito narealized, Belinda?", singhal sa akin ng asawa kong si Roberto. Napangiwi ako at ikinalma siya. "Ang puso mo, Honey. Baka may rason lang si Amara kaya niya nagawa iyon. Saka bakit ngayon mo lang na realized? Bobo ka din talaga ano?", pabiro kong wika kay Roberto,ngunit nagalit lang ito sa akin lalo. "Ang bibig mo, Belinda! wag mong sabihin na matagal mo ng alam na nag sisinungaling lang si Amara. Kailangan ko silang makausap ni Ethan. Ipatawag mo sila ngayon din!", galit na galit na sigaw sa akin ni Roberto. Noong unang beses kong nakita si Ethan ay alam kong ito ang anak ni Kumareng Vicky na naka arranged

