Amara's POV Kahit anong pilit ko sa sarili na maka focus sa trabaho ay lagi pa ring sumasagi sa isipan ko ang sinabi ni Danica kahapon. Nag o-over think ako at nagkakaroon na ng anxiety. Wala na akong Peace of mind dahil sa pag-aalala na baka maulit na naman ang nakaraan. Ayaw ko ng masaktan ng sobra sa pangalawang pagkakataon. Kaya ayaw kong ma inlove ulit kasi nakakatakot,pero hindi ko naman pwedeng pigilan ang nararamdaman kay Ethan lalo na at nagustohan ko na siya sa una pa lang naming pagkikita. Nabitiwan ko ang aking lapis na hawak-hawak ng biglang kumatok si Mezy sa pinto ng Opisina ko. Napakurap ako galing sa malalim na pag-iisip. "Come in" Nakangiting Mezy ang bumungad mula sa pinto. "Someone is here. Ang gwapo niya, Beb. Papasokin ko na po ba siya?", kinikilig na saad ni Me

