Amara's POV "Buntis ako,Mom and Dad.Buntis ako at si Niko ang Ama", lakas loob kong sabi na ikinagulat ng lahat.Pati si Ethan ay nanlaki din ang mga mata sa narinig. "Bu-buntis ka? Gusto ko ng magka-Apo,pero hindi pa ito ang tamang oras.Kasal muna bago anak", nabibiglang sabi ni Mommy. "Totoo ba yang pinagsasabi mo, Amara? Ilang buwan na yan at bukas na bukas din ay magpatingin ka sa Doctor.Siguradohin mong totoo ang pinagbubuntis mong yan dahil kung mapatunayan ko na nagsisinungaling ka sa amin ay ipapaalis kita bilang CEO ng kumpanya! ", galit na galit na wika ni Daddy Umukit sa mukha ko ang pag-aalala.Bakit ko ba kasi naisip na sabihing buntis ako kahit hindi naman talaga. "Pero,Daddy. Nakikiusap po ako na kung pu-pwde ay i urong nyo na ang arrange marriage ko sa lalaking hindi ko

