Nakatingin lang si Raven kay Hestia at tila isinasaisip kung ano ang sinabi nito. Parang hindi niya pa nga narinig ang sinabi nito, iniisip na pinaglalaruan lamang siya ng kaniyang pandinig. "Tama ba? tama ba ang narinig ko? buntis ka?" "I'm pregnant." "Oh God!" Gulat niyang sabi habang napasapo sa kaniyang mukha. Habang hindi pa rin makapaniwalang nakatingin kay Hestia. "Seryoso?" Napatahimik lang si Hestia at pinakatitigan si Raven. Halata ang gulat sa mukha nito, ganoon pa man hindi niya mabasa kung anong ibigsabihin ng pagkabigla nito. Masaya ba siya? o nagulat dahil ayaw niya. Ngunit, mabilis lang din naman nasagot ang katanungan sa kaniyang isipan, nang unti-unti na sumilay ang saya sa mukha nito. "Oh god?! hindi nga? buntis ka?" malawak ang ngiti ni Raven na tanong sa kaniya.

