Idinilat ni Hestia ang kaniyang mga mata at bumungad sa kaniyang harap ang natutulog na si Raven. It's 2 in the morning at nagising siya dahil nakaramdam siya ng init. Hindi literal na mainit dahil bukas naman ang aircon at talagang napakalamig. Sa makatuwid ay nakabalot nga sa kaniya ang makapal na comforter sa kanila ni Raven. Pero talagang naiinitan siya. Dahan-dahan siyang umupo upang hindi magising ito. Pagkatapos ay napatingin kay Raven na nakadapa pero nakayakap sa kaniya. Napakagat siya ng labi at para bang may kakaibang epekto ang kaniyang asawa sa kaniya kahit sa simpleng makita lang ito na tulog. Ilang gabi na ang lumipas na ganito. After nang mga araw na may nangyari sa kanila ulit ng kaniyang asawa ay naging ganito siya. Madalas nga lang ay sa umaga dahil pagdating na gabi

