It's 11pm, at hindi pa rin sila natutulog. It's been a long day, na sa sobrang daming nangyari sa araw na ito ay hindi man siya dapuan ng antok. She still can't believe na official na sila ni Raven sa pamilya nito. At mas lalong hindi siya makapaniwala dahil tanggap siya ng mga ito. Hindi niya talaga inaasahan na papayag ang mga ito na makipagrelasyon sa kaniya lalo pa at hindi ganoon ang mga nakikita niya o napapanood niya. Sa probinsya ay iyon din ang sinabi sa kaniya ng kaniyang ina, na bago siya umalis ay ipinamukha sa kaniya na malulupit ang mga mayayaman sa Maynila, na walang iniintindi ang mga ito kundi paano papalakihin ang yaman nila. Na mababa ang tingin ng mga ito sa mga mahihirap na kagaya niya. Kamuntikan na siyang maniwala doon lalo nung mga panahon na hirap siyang makahanap

