Kabanata18

1530 Words

Tahimik ang biyahe namin pabalik sa beach house. Ang tunog lang ng waves at humuhuning crickets ang bumabalot sa paligid habang binabaybay namin ang madilim na daan. Hindi kami nagmamadali, parang pareho kaming may iniisip. Pagdating namin sa bahay, diretso akong pumunta sa veranda habang si Atticus ay pumasok saglit sa loob. Bitbit ko ang isang kumot at thermos ng mainit na tsaa. Gusto ko lang ng katahimikan. Ng hangin. Ng paghinga. Maya-maya’y lumabas siya, may hawak na dalawang mug, parehong may usok pa. Tinabihan niya ako sa upuang kahoy at tahimik na iniabot ang isa. “Salamat,” mahina kong sabi. “Okay ka lang?” Tumango ako. “Mas okay ako ngayon. Thank you sa pagsama kanina. Thank you for waiting.” Tumingin siya sa akin, seryoso. “Of course. You don’t have to thank me for showing

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD