"Ganito sa probinsya. Bakit?" Kahit gabi na, malinaw kong nakita ang pagkunot ng noo ni Atticus habang nililibot niya ng tingin ang paligid. Maririnig mo ang halo-halong tunog. Kantahan, halakhakan, tunog ng mga paputok, mga batang naghahabulan, at tambol ng mga kabataang may drum set gawa sa lata. Pasko kasi. Christmas Eve. Kakatapos lang ng Simbang Gabi, kaya nag-uumapaw ang kasiyahan sa kalsada. Parang lahat ng bahay may ilaw. Parang bawat sulok may kwento. Sa probinsya, ganito talaga. Maingay, masaya, buhay na buhay. "Normal lang ‘to tuwing Pasko," dagdag ko habang pinagmamasdan siya. "Nagsi-uwian kasi mga kamag-anak galing sa Maynila, Cebu, Davao... kung saan-saan. Isang beses lang sa isang taon nagkikita-kita." Pero hindi kami. Hindi sila uuwi. Hindi si Kuya. Hindi ang mga pinsan

