“Venice, bakit nga pala nandito pa ang lalaking iyan?” tanong ko kay Venice sabay turo kay Quinn na umiinom ng kape sa hindi kalayuan kasama si Uncle Hector. “Dito ba siya nakatira?”
“Uuwi na siya mayamaya, Ate.”
“Uuwi na? Saan siya uuwi?”
“Sa bahay niya. Kaya lang naman siya pumunta rito dahil pinag-usapan nila kung ano ang lulutuin nila sa darating na fiesta. Ilang araw pa naman kasi bago ang fiesta kaya uuwi muna siguro siya.”
“Nakapunta ka na ba sa bahay niya?” usisa ko sa kapatid ko. “Maganda ba ang bahay niya, Venice?”
“Hindi pa ako nakakapunta sa bahay niya, Ate,” sagot ng kapatid ko. “Pero, nabanggit ni Uncle Hector na medyo malayo raw ang bahay niya dahil halos nasa paanan na raw ng bundok.”
Tumango-tango ako. “Ganoon ba? Ibig bang sabihin, wala siyang kapitbahay?”
“Wala nga raw, eh. Bilib na bilib nga si Uncle sa kaniya dahil kahit daw mag-isa lang siya sa bahay niya, hindi raw siya natatakot, eh.”
“Ba’t kasi nandoon ‘yong bahay niya?” usisa ko ulit. “Ayaw niya bang magtayo ng bahay malapit dito sa bahay ni Uncle Hector?”
Biglang napatitig sa akin si Venice. ‘Yong mga tingin niya ay halatang may ibig sabihin. “Bakit bigla kang naging interesado sa buhay niya, Ate? May gusto ka ba sa kaniya?”
“Wala!” halos pasigaw kong saad. “Baliw ka ba? Ba’t naman ako magkakagusto sa matandang iyan?”
“Wala raw!” pambubuska ni Venice sa akin. “Umamin ka na lang dahil halata naman. At saka, hindi pa siya matanda, Ate. Siguro, may gusto ka talaga sa kaniya, 'no? Idinadaan mo lang yata sa pang-aasar ang pagkakagusto mo sa kaniya, eh."
“Wala akong gusto sa kaniya, Venice,” giit ko. “Kaya lang naman ako nagtatanong dahil curious ako sa buhay niya.”
“Curious ka kay Kuya Quinnell kasi nga interesado ka!” pagdidiin ni Venice kaya parang gusto ko siyang kurutin ng pino. “Hindi ka naman magtatanong ng ganiyan kung hindi mo siya gusto, eh.”
“Hindi naman talaga!” giit ko. “Isa pa, matanda na siya para magustuhan ko pa, 'no!”
“Marami kaya ang nagkakagusto kay Kuya Quinnell,” sabi ni Venice kaya napatingin ako bigla ng masama sa kaniya. “Halos pila-pila ang mga babaeng nagkakagusto diyan, Ate.”
“Paano mo naman nalaman?”
“Narinig ko lang na nag-uusap sila ni Uncle Hector. Tinutukso nga siya ni Uncle Hector kung bakit wala raw siyang nagugustuhan gayong sobrang dami raw ng babaeng nakapila sa kaniya.”
“Bakit nga ba?”
“Hindi ko rin alam,” sagot ni Venice. “Siguro dahil hindi pa talaga dumadating ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay.”
“Bakit?”
“Balita ko kasi may naging ex-girlfriend iyan si Kuya Quinnell at halos dekada ang naging relasyon nila.”
Bigla akong naging seryoso habang nakikinig kay Venice. “Ano ba’ng nangyari sa kanila?”
“Walang sinabi kung ano'ng nangyari sa kanila, Ate. Ang alam ko lang, hindi pa siya nakaka-move on sa ex-girlfriend niya.”
“Ilang taon na ba silang hiwalay?”
“Five years na rin siguro.”
“Tsk! Ang tagal na pala, eh. Ang O. A naman niya.”
“Palibhasa kasi wala ka pang nagiging boyfriend, eh,” wika ng kapatid ko.
“Tumigil ka nga diyan,” inis kong wika sa kapatid ko. “Uso ang salitang move on, Venice. Kung ako ang nasa kalagayan niya, hindi ko sasayangin ang ilang taon ng buhay ko para lang sa isang taong walang kuwenta.”
Tinakpan ng kapatid ko ang bibig ko kaya kinagat ko ang kamay niya.
“Aray! Aray ko, Ate!” daing ni Venice habang masamang nakatingin sa akin. “Ang sama talaga ng ugali mo, Ate!”
“Ah, talaga? Masama ako para sa iyo, ha? Masama na ba ang pagiging prangka ngayon, ha?”
Kukurutin ko sana ang kapatid ko kaya lang nakita ko si Quinn na naglalakad papalapit sa amin ni Venice kaya naman mabilis kong binawi ang mga kamay ko at pinagkrus na lang ang mga braso ko.
“Uuwi na muna ako,” paalam ni Quinn habang nakatingin sa kapatid ko. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.
“Kailan ka babalik dito?”
“Two days before fiesta, I guess.”
“Medyo matagal-tagal pa pala,” malungkot na wika ng kapatid ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. “Kuya, dalhan mo ako ng pasalubong pagbalik mo, ha?”
“Of course.”
“Thanks, Kuya!” Niyakap ni Venice si Quinn kaya mas lalong tumaas ang kilay ko. “Ingat ka, ha?”
“I will.” Nang matapos ang pagyayakapan ng dalawa sa harapan ko ay napatingin bigla sa akin si Venice.
“What?” mataray kong tanong sa kapatid ko. "What's the matter?” Naiinis ako sa ka-sweet-an nilang dalawa sa harapan ko.
“Uuwi na raw siya, Ate.”
“Narinig ko,” saad ko sa pataray na tono. Halata talaga na walang interes sa akin si Quinnell dahil hindi man lang niya ako magawang tapunan ng tingin kahit segundo lang.
“Ingat ka, Kuya Quinnell,” wika ng kapatid ko na akala mo kapatid niya si Quinnell. “Balik ka kaagad, ha?”
“I will.”
“Ingat ulit, Kuya.”
“Thanks.” Pagkasabi niyon ay tumalikod na ang lalaki at naglakad na palayo sa amin.
At dahil curious ako kung saan siya nakatira ay nagpaalam ako sa kapatid ko na may bibilhin lang ako sandali na sinagot niya ng isang tango bago siya pumasok sa kuwarto kung saan sila tumutuloy kasama sina mommy at daddy.
Mabuti na lang talaga at walang tao sa labas kaya tuloy-tuloy ang hakbang ko para sundan si Quinn.
Hindi ako lumapit ng husto kay Quinn para hindi niya mapansin ang presensya ko.
Ang sakit na ng mga paa ko dahil halos tatlong oras na kaming naglalakad pero hindi pa rin siya humihinto.
Ilang beses ko nang tinangka na lapitan siya at tanungin kung malayo pa ba ang bahay niya pero hindi ko ginawa dahil baka bulyawan niya ako.
“Saan ba nakatayo ang bahay ng lalaking ‘to?” tanong ko sa isip. “Ang layo naman! Sobrang sakit na ng paa ko!”
Puro malalaking puno ang mga nadadaanan namin ni Quinn kaya kulang na lang ay tumakbo ako papunta sa kaniya at yumakap dahil pakiramdam ko ay may mga kapre sa paligid.
Makalipas ang limang oras na lakaran ay nakita ko na huminto na siya. Nakatanaw siya sa isang bahay na kulay berde ang pintura sa 'di-kalayuan.
Iyon siguro ang bahay niya. Malayo sa kabihasnan ang bahay niya pero maganda at tahimik dahil nga wala siyang kapitbahay kahit na isa.
Sa paligid niyon ay may mga puno ng saging at mangga at bago kami makarating sa bahay na iyon ay dadaan muna kami sa pilapil. Sa gilid ng mga pilapil ay may mga nakatanim na mga sitaw at ampalaya.
Imbes na palay ang nakatanim sa palayan niya ay puro mga iba't ibang gulay kaya naman namangha ako at nadagdagan lalo ang paghanga ko kay Quinn.
Nang makarating si Quinn sa bahay na kulay berde ay saka ako sumunod sa kaniya.
Kahit wala siyang kapitbahay ay hindi mo mararamdaman ang takot bagkus ay kaginhawaan at kapayapaan ng isip.
Siguradong tatagal ang buhay ko rito kapag dito ako tumira dahil puro sariwa ang makakain dito.
Ang dami niyang alagang manok.
Habang papalapit ako sa bahay niya ay nag-ingay ang mga manok kaya naman hindi ko alam ang gagawin ko kung magtatago ba ako o tatakbo na lang pabalik sa bahay ni Uncle Hector.
“What are you doing here?” Nagulat ako nang pabalyang bumukas ang pinto ng bahay ni Quinn. Madilim ang hitsura niya habang palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa mga manok na alaga niya.
“I didn't hit them,” depensa ko. “Hindi ko alam kung bakit bigla na lang silang nag-ingay.”
“‘Yon ay dahil nakakaamoy sila ng hindi maganda.”
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Hindi maganda ang dating mo sa kanila at alam kong alam mo kung bakit.”
“I’m not a bad person,” sabi ko. “Mali ang iniisip mo tungkol sa akin.”
“Really? Kung ganoon, bakit nandito ka ngayon sa bahay ko? Ano’ng gagawin mo rito?”
“Tatambay lang,” balewala kong sagot sabay iwas ng tingin.
Sarkastiko siyang tumawa. “Tatambay o magnanakaw?”
Mabilis kong ibinalik ang tingin sa kaniya.
Ano raw? Nandito ako para magnakaw? Ano naman ang nanakawin ko? Mga tanim niya? Mga manok niya?
“Ano naman ang nanakawin ko rito?” tanong ko. “Isa lang naman ang gusto kong makuha mula sa iyo, ‘no!”
“Ano?”
“Ang puso mo,” seryoso kong sabi. Pareho kaming seryoso habang nakatingin sa isa’t isa hanggang sa siya ang unang sumuko dahil nag-iwas siya ng tingin. “Seryoso talaga ako sa iyo, Quinn.”
Bumalik ang tingin niya sa akin sabay buga ng hangin. “Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ako pumapatol sa mga kagaya mo? Hindi ka ba nag-iisip?”
“Nag-iisip.”
“Then, why the f**k are you here?”
“Hindi ko rin alam,” mahina kong sagot sabay yuko. “Ang alam ko lang, gusto kita.”
“Are you ready to have s*x with me?” tanong niya sa akin sa seryosong tono kaya mabilis akong nag-angat ng tingin. "Are you willing to surrender your f*****g body to me?”
Napalunok ako ng sunod-sunod bago ako sumagot. “Y-yes. N-nakahanda ako.”
"Tsk! Seryoso ka ba talaga sa sinasabi mong iyan, babae?"
Tumayo ako ng tuwid. "Seryoso nga ako."
"Go home," pagtataboy niya sa akin.
"Ang sakit na ng mga paa ko dahil ang layo nitong bahay mo," sabi ko. "Isa pa, hindi ko natandaan ang mga dinaanan natin kaya hindi ko alam kung makakabalik ako ng ligtas sa bahay ni Uncle."